• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, sinu-sino nga ba ang gusto niyang maka-collab sa vlog?

Julia Barretto, sinu-sino nga ba ang gusto niyang maka-collab sa vlog?

Binanggit ni Julia Barretto ang ilang kilalang personalidad sa mundo ng vlogging na naiisip niyang maka-collaborate para sa kaniyang YouTube channel.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/2/2019 10:00 AM
Julia Barretto, sinu-sino nga ba ang gusto niyang maka-collab sa vlog?


Photo credit: @juliabarretto, @mimiyuuuh, @cathygonzaga and @iamhearte IG

Ipinaliwanag ni Julia Barretto sa PUSH ang sariling dahilan sa pagbuo ng kaniyang sariling YouTube channel kamakailan. Ayon sa aktres, isa ang kaniyang channel sa mga ginagamit niya para ipaliwanag ang sarili tungkol sa mga isyung nakikita o nababasa lang ng mga tao.

"You know I'm really a private person and when it comes to being a private person, whenever [people] hear about me or see about me, it's so easy for them to believe, because they don't know who really I am.

"So parang nakaisip ako maybe we can have an outlet for people to really get to know me, my side of a story, and from me mismo," paliwanag ni Julia.

READ: Julia asks Claudia: ‘How do you feel whenever I get caught up in a controversy?’

Dagdag ni Julia, isa rin regalo para sa kaniyang mga taga-suporta ang pagbuo niya ng vlog.

"I wanna also give it as a gift for people who have been there to support me ever since the beginning of my career. I wanna give them a peek into my life and share what's up in my life also," sabi ng aktres.

"Siguro ang pinaka goal ko in every episode is mayroong mapi-pick up at the end of the video, may realization, may matututunan, may mai-inspire, may mo-motivate, may makaka-relate. Ayoko lang gumawa ng video para lang may video, gusto kong may impact, gusto ko may purpose," pagpapatuloy pa ng aktres.

Nang tinanong naman si Julia kung sinu-sino sa mga local YouTubers ang iniisip niyang o gustong maka-collaborate, "Sana magkaroon kami ng collaboration ni Alex, kasi Alex is a very good friend of mine. And I think our personalities are very opposite. But for some reason nagkakasundo talaga kami ni Alex and Alex have been such a good friend," sagot niya.

Idinagdag din ni Julia sa kaniyang sinabi sina Heart Evangelista at Mimiyuuuh. "Siguro si Heart, and recently na-meet ko sa event si Mimiyuuuh, I want to have a collaboration also, feeling ko masaya 'yon," sabi niya.

READ: Julia Barretto hits 100K subscribers, 1M views on YouTube

Maaalalang nitong September lang unang nagpost ng kaniyang vlog si Julia. Sa ngayon, may mahigit 138,000 subscribers na ang kaniyang channel.