Ina ni Boy Abunda, pumanaw na

Ina ni Boy Abunda na si Licerna pumanaw na sa edad na 90.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/2/2019 1:31 PM
Ina ni Boy Abunda, pumanaw na


Sumakabilang buhay na ang ina ng King Of Talk Boy Abunda na si Licerna Capito Romerica Abunda sa edad na 90.

Kinumpirma ito ng kapatid ng Kapamilya host na si Congresswoman Maria Fe Abunda sa kanyang Facebook nitong Lunes, kasunod nang pagpanaw ng kanilang ina noong Linggo, Disyembre 1.

Isang guro ang ina ng King of Talk at naging konsehal ng Borongan ng tatlong termino mula taong 1995 hanggang 2004 at naluklok rin bilang Vice Mayor.

Kilalang malapit ang King  of Talk sa kanyang ina at markado rin ang katagang “Make Your Nanay Proud” na kadalasan niyang sinasabi sa kanyang mga payo.

Sa isa sa kaniyang pahayag sa “The Bottomline” nitong Oktubre, sinabi niyang sentro ng kanyang buhay ang kanyang ina.

“She’s the center of my life and I hope she's not suffering. 'Yun lang naman ang gusto ko sa nanay. She's turning 91 in January, huwag lang masaktan,” aniya.

“I am grateful in both joy and pain. Grateful because kahit nasasaktan ako, I'm being given the chance by God to be the best mother to my mother and I'm being able to say thank you to her. 

"I will be honest, I don't know how I'm going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko, because that's the only way," he said.

Nakalagak ang mga labi ng ina ng King of Talk sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.