• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, biyaheng Singapore para sa Asian Academy Creative Awards

Dimples Romana, biyaheng Singapore para sa Asian Academy Creative Awards

Inaasahan ang pagtanggap ni Dimples Romana ng pagkilala para sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/2/2019 9:24 AM
Dimples Romana, biyaheng Singapore para sa Asian Academy Creative Awards


Photo credit: @dimplesromana IG

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng Kapamilya Star na si Dimples Romana para sa mainit na pagmamahal na kanyang nakukuha ngayon sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon.

Tatak at markado ngayon si Dimples bilang si Dani sa hit Kapamilya series na “Kadenang Ginto.”

Sa naging panayam sa Kapamilya star, isa sa kanyang pinasalamatan ang Dreamscape Entertainment na buong buo ang naging pagaalaga sa kanyang karera.

"Dreamscape had been very, very good to me,” tugon ni Dimples sa panayam ng press, “I’m just very glad na next week, maibabalik ko sa kanila ‘yung tiwala na binigay nila sa akin.”

Dito proud na kinuwento ni Dimples ang pagkilala na kanyang tatanggapin sa Singapore para sa karakter ni Daniela Mondragon.

“Next week ang lipad ko sa Singapore for Asian Creative Academy Awards, so nanalo po ako ng regional for supporting actress for ‘Kadenang Ginto.’”

Ayon pa sa aktres, ito na marahil ang kanyang magiging sukli para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Dreamscape.

"It feels great of course because it is an international award, and ang maganda doon, per region may winners na sila meaning for Philippines, ikaw na agad ang panalo dito ganun sila," ani niya.

"Doon man lang maibalik ko ang tiwala na ibinigay nila (Dreamscape) sa akin.”

Bukod sa “Kadenang Ginto,” bahagi rin si Dimples ng pelikulang “The Mall, The Merrier” kalahok sa nalalapit na 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).