• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, proud sa kaniyang mga beshies na sina Anne, Angel, at Bea

Angelica Panganiban, proud sa kaniyang mga beshies na sina Anne, Angel, at Bea

Proud na ibinahagi ni Angelica Panganiban ang matibay nilang pagkakaibigan nila Anne Curtis, Angel Locsin at Bea Alonzo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/2/2019 9:42 AM
Angelica Panganiban, proud sa kaniyang mga beshies na sina Anne, Angel, at Bea


Photo credit: @iamangelicap IG

Sa bihirang pagkakataon lang daw na nakukuhanang magkakasama sa isang larawan ang magkakaibigan na sila Angelica Panganiban, Anne Curtis, Angel Locsin, at Bea Alonzo. Kaya nang na-post isang Instagram ni Angelica noong September 16, ang isang stolen shot ng mga magkakaibigan, maraming netizen ang natuwa.

"Eto yung pinaka public event na ginawa namin na nagsama sama kaming apat. So lahat kami excited talaga... May nakakuha pala ng picture sa amin. At iisa lang 'yan," kuwento ni Angelica sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Biyernes.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Flex ko lang din mga beshies ko 💜💜💜💜

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

LOOK: Happenings Past the Red Carpet at the ABS-CBN Ball

Proud ang aktres sa matibay na pagkakaibigan na nabuo niya sa mga nabanggit na mga Kapamilya actress.

"Mayroon kasi kaming iba't ibang personalities kaya siguro ang ganda na kapag nagsama-sama kami ay iba-iba 'yung mapupulot mo sa kanila. Nai-impress ka sa kabaitan nitong isa, nai-impress ka sa katalinuhan ng isa, nai-impress ka sa sweetness nung isa. Alam mo 'yung iba-iba talaga siya," paliwanag ni Angelica.

Sa parehong interview din ay nag-iwan ng payo si Angelica para sa mga naghahanap din ng totoong kaibigan.

"Dapat ganun 'yung mga taong kinakasama mo lagi, para matulungan ka rin na maayos ang self mo. 'Yung nakikita mo ang mga magaganda sa kanila, at 'yung mga hindi magaganda sa kanila ay hindi nila ipinagmamalaki. Gusto nilang ayusin kung ano 'yung hindi maganda sa kanila, at 'yung maganda roon ay nagtutulungan ang mga kaibigan mo para mas maging better 'yung taong yon.

"Di kami naghihilaan pababa, lagi naming pinu-push 'yung isa't isa na, 'go, ikaw ang pinakamaganda, ikaw ang pinakamagaling.' And naniniwala kami roon. Kapag sinasabi namin 'yon, totoo yon," paliwanag pa ni Angelica.

READ: Bea Alonzo at Angelica Panganiban, inaming hindi nag-uusap noon

Bida si Angelica at Bea sa bagong pelikula na Unbreakable. Kasama nilang gumanap si Richard Gutierrez. Mapapanood pa rin ngayon sa mga sinehan ang Unbreakable.