• Home
  • Fresh Scoops
  • Inanunsyo ng ‘The Killer Bride’ creators na mapapanood na sa iWant ang mga Uncut episodes nitong may mga ‘gory’ at ‘detailed’ scenes.

The Killer Bride, hindi mag-e-extend kahit malakas ang ratings: ‘Mas focus kami sa story-telling’

Inanunsyo ng ‘The Killer Bride’ creators na mapapanood na sa iWant ang mga Uncut episodes nitong may mga ‘gory’ at ‘detailed’ scenes.

BY
Edo Daria

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/19/2019 11:31 AM
The Killer Bride, hindi mag-e-extend kahit malakas ang ratings: ‘Mas focus kami sa story-telling’

Mapapanood sa iWant ang mga ‘uncut’ episodes ng Kapamilya seryeng The Killer Bride. Sa naganap na Thanksgiving party ng naturang serye, inanunsyo ng mga direktor na sina Dado Lumibao at Froy Leonardo, at writer na si Benson Logronio na matatapos na ang The Killer Bride sa unang buwan ng 2020.

“Actually nung kino-conceptualize pa lang namin ito, alam namin na hanggang dito lang siya. So kahit sabihin ng management na i-extend, sa storytelling talaga, sa narrative, hanggang dito lang, so we stick to that. So wala pong extension,” paliwanag ni Dado.

Dagdag ng direktor, nasa ikalawang season na ang ipinapalabas ngayon sa telebisyon.


Malaki ang pasasalamat ng mga creators sa mga sumusubaybay at nakikisali sa mga diskusyon online, sa bawat episode ng serye.

“Ang daming [naming nababasang] opinyon, ang daming gustong papuntahan ng audience sa kwento, pero it’s a good problem, ibig sabihin sinusundan nila, ibig-sabihin they work on their own theories.

“But kami, we stay true to our story. Mas focus kami sa story-telling more than really teasing the fans. Kasi minsan pag nagsusulat ka tas ipapakita mo ito kahit hindi naman nagma-match sa kuwento. Pero, mas nangingibabaw sa amin yung story, at the same time kung ano ang maiiwan natin sa audience natin,” kuwento ni Benson.

READ: ‘Masyadong ginalingan’: Janella Salvador, nagalusan sa leeg dahil sa eksena sa ‘The Killer Bride’

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

BABALIKAN KA NI CAMILA NGAYONG GABI! #TheKillerBrideVengeance 🔥 SUSUNOD NA!

A post shared by RCD Narratives - ABS-CBN (@rcdnarratives_abscbn) on

 

Sa parehong event, dinipensahan din ng tatlo ang pagiging pulitikal ng ilang eksena ng naturang palabas. Ayon sa kanila, intensyonal ang mga ito para mas maging ‘relatable’ ang mga tauhan sa kasalukuyang panahon.

“Ang kuwento natin ay umiikot sa mga characters na politicians--so definitely makikita mo yung reflection na yon sa kung ano ang nangyayari sa atin sa present times,” pahayag ni Benson.

READ: ‘The Killer Bride’, ‘Kadenang Ginto’ ‘Sino Ang May Sala’ take center stage in Cannes

Naniniwala naman ang direktor na si Dado na ang mga pelikula at palabas sa telebisyon ay “dapat laging may sinasabi--dapat may sinasabi sa lipunan, nare-reflect mo kung ano ang nasa kapaligiran mo. And we try maging boses ng [mga tao patungkol] sa mga nangyayari sa paligid.”

Pagpapatuloy ng direktor, “It’s intentional, but we don’t really intend naman to hint a specific person or what.”