• Home
  • Fresh Scoops
  • Ricci Rivero, umamin na mga girls and gays na nagpapakita ng motibo sa kanya.

Ricci Rivero, dedma sa mga indecent proposals

Ricci Rivero, umamin na mga girls and gays na nagpapakita ng motibo sa kanya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/19/2019 01:09 PM
Ricci Rivero, dedma sa mga indecent proposals
ricciiirivero

Sa hard court lang naka-focus ngayon ang basketbolistang si Ricci Rivero na naglalaro para sa team ng UP Maroons kaya wala raw siyang love life.

“Medyo matagal nang wala. Parang simulanung naglaro ako for UAAP, wala na rin,” pagtatapat ni Ricci sa PUSH.

Patuloy niya, “Choice ko din po,  kasi siguro it’s hard din naman to give your commitment, to commit yourself to a girl pero hindi mo talaga siya maipa-prioritize kasi nga busy din, so mahirap din yon for her, so for me, baka magka-problem lang.”


Hindi naman niya masabi kung hanggang kailansiya magiging single.

“Not my priority po talaga ang magka-girlfriend eh,” giit pa niya. “But if ever, simple lang naman ang gusto ko sa babae – yung God fearing and family oriented. It doesn’t matter din kung showbiz siya or non-showbiz,” lahad pa ng 21-year-old player.

Aminado si Ricci na hindi rin talaga maiiwasang maka-encounter siya ng mga aggressive girls na somehow ay nagpapakita ng motibo sa kanya.

“It’s something that I like…,” sabay tawa niya ng malakas. “Parang ang bait-bait ko naman. Hahaha! Pero kailangan po talagang makontrol, kasi if not… so you have to think twice or thrice.”

Kahit sa mga gays ay hindi rin daw siya nakakaligtas at palaging may nag-o-offer sa kanya ng kung anu-anong materyal na bagay.

Kuwento pa niya, “Yeah, meron. Pero ako kasi, sobrang dami ko talagang friends na nasa part ng LGBT and it’s not a big deal talaga. Sila kasi yung sumusuporta din naman at nagpapaingay talaga especially sa iba’t ibang industry. Yeah, kailangan you have to deal with them also.”

Pero hindi pa raw naman siya dumating sa point na may pinatulang bading dahil sa material needs niya.

“May mga nagsabi na rin sa akin ng ganyan. Kung ano raw ang gusto ko ibibigay nila, but then, as long as kaya pa naman po why do I have to ask for help? Hindi, eh,’ rason niya.

When we asked him kung sinasadya ba niyangmag-post ng shirtless photos sa social media para magpa-yummy ng image, aniya, wala raw siyang ganung intensyon.

“Thankful ako nana-appreciate nila ako, na look up to me, and we have to accept the fact kung ano man yung napi-feel nila when they see those kinds of stuff.

“For me, yung mga pino-post ko  is  normal, it’s usual, it’s common naman. I don’t really post those kinds of stuff to trigger their emotion or desire,” paliwanag pa ni Ricci.

Huling tanong namin kay Ricci, bakit nga ba siya nagkainteres pasukin ang pag-arte?

Sagot ng binata, “Siguro kasi I grew up in the province and growing up I’ve always watched yung mga Tagalog movies talaga. So ever since I’m really into watching yung mga ganun, and I’m one of those who go to cinemas every time na  may mga ganun.

“And siyempre, gusto mo ring i-try talaga yung something na ganun and I’m sobrang happy talaga doing it. Medyo mahirap din lalo na if you’re doing a character na hindi naman talaga ikaw pero sobrang nag-i-enjoy ako kasi  hindi ko naman talaga in-expect na umabot sa point na magagawa ko rin yung nakikita ko lang before,” huling pahayag niya sa PUSH.