Nanawagan ang kapatid at business manager ni Regine Velasquez sa fans ng music icon na huwag nang pumatol sa mga patuloy na nambabatikos sa kanya kaugnay ng akusasyong inaangkin niya ang credit sa almost sold out concert nila ng kapwa singer na si Sarah Geronimo.
Sa Twitter, nakiusap si Cacai Mitra na sa halip na patulan ang bashers, mas maiging magpakalat na lamang ng “love, respect, and positivity” sa ngalan na rin ng Pasko.
"Just Pray for them. Paikot-ikot lang ang issue.. hindi matatapos.. Alam naman natin na hindi ganyan mag-isip si [Sarah] so [heart emoji] na lang," sabi niya.
Let's just spread LOVE, PEACE & POSITIVITY!!! Let's just be all HAPPY!!!! 😀❤️❤️ pic.twitter.com/WhbIgRdxDb
— Cacai Mitra (@cacaimitra) December 16, 2019
Guys hwag nyo na patulan, hwag na kayong sumagot.. deadma na lang.. AGAIN let’s spread LOVE, RESPECT & POSITIVITY na lang.. Pasko na.. Just Pray for them. Paikot-ikot lang ang issue.. hindi matatapos.. Alam naman natin na hindi ganyan mag-isip si @JustSarahG so ❤️❤️❤️ na lang...
— Cacai Mitra (@cacaimitra) December 16, 2019
Sinagot din ni Cacai ang sabi-sabing pina-prioritize umano ang fans ng veteran singer sa pag-reserve ng seats para sa nasabing joint concert.
READ: Concert nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez, tuloy na tuloy na
“Both VIVA and IME (concert producers) po may reserved seats for sponsors and selling... Fairly divided same no. of seat din po yan.. VIVA lang po may control ng naka reserve under viva and the same w/ IME.. may kanya kanya kaming allocations.. Sa Viva nyo po itanong,” tugon ni Cacai.
Pinamagatang “Unified,” gaganapin ang unang pagsasama ng tinaguriang Asia’s Songbird at Popstar Royalty sa iisang concert sa Pebrero 14 at 15, 2020 sa Smart Araneta Coliseum.