• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson, pinabulaanan ang rumored ‘love bracelet’ di umano nila ni Julia Barretto

Gerald Anderson, pinabulaanan ang rumored ‘love bracelet’ di umano nila ni Julia Barretto

Itinanggi ni Gerald Anderson ang katotohanan tungkol sa ‘love bracelet’ daw di umano nila ni Julia Barretto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/19/2019 4:28 PM
Gerald Anderson, pinabulaanan ang rumored ‘love bracelet’ di umano nila ni Julia Barretto


Mabilis na pinabulaanan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang kumalat na isyu kamakailan tungkol sa ‘couple bracelets’ o ‘love bracelets’ daw di umano nila ni Julia Barretto. 

Sa interview ni Gerald kay MJ Felipe, tinawanan ni Gerald ang nabanggit na isyu.

READ: ‘How can I forget?’: Julia Barretto on why she’ll always remember ‘Between Maybes’

READ: Bea Alonzo on breakup with Gerald Anderson: ‘Tapos na ako don. Okay na ako’

“No, right now, I’m just focused on sa mga gusto kong gawin,” mabilis na paliwanag ng aktor.

Pagpapatuloy niya, “Wala muna (love life), focus muna sa trabaho saka sa mga advocacies.”

Panoorin ang buong interview dito:

Naging usap-usapan kamakailan online ang pagkakapareho raw ng mga bracelets nina Gerald at Julia. Ayon sa mga spekulasyon ng mga netizens, maaaring couple bracelets ang mga ito.

(credits to Fashion Pulis)

Samantala, bilang pinangalanang bagong Ambassador ng Philippine Youth-KASAMA (Kabatang Sama-samang Maglilingkod), ibinahagi rin ni Gerald sa parehong interview ang mga plano niya para sa adbokasiya.

READ: Gerald Anderson is now an ambassador for the Philippine Youth Commission

“Very exciting kasi may bagong platform para makatulong sa iba.

“Iikot kami ng Pilipinas... [Magtatayo ng] basketball clinics, education, rebuilding school, bisitahin ang mga nasalanta ng calamities,” pahayag ng aktor. 

Aabangan sa bagong serye si Gerald Anderson na A Soldier's Heart na ipapalabas sa susunod na taon.