• Home
  • Fresh Scoops
  • Ethel Booba, sa pagbubuntis sa edad niya ngayon: ‘Nakahabol pa’

Ethel Booba, sa pagbubuntis sa edad niya ngayon: ‘Nakahabol pa’

Sa edad na 42, aminado si Ethel Booba na hindi niya inaasahan ang pagbubuntis niya ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/19/2019 11:41 AM
Ethel Booba, sa pagbubuntis sa edad niya ngayon: ‘Nakahabol pa’


Masayang ibinahagi ng komedyante na si Ethel Booba ang kaniyang unang beses na pagbubuntis sa mga momshie hosts ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, December 18.

Ayon kay Ethel na may pitong buwan nang buntis, hindi niya inaasahan na ‘makakahabol’ pa sila ng kaniyang boyfriend na si Jessie Salazar sa pagkakaroon ng sariling anak.

“Na-shock ako, kasi wala talaga akong balak mag-baby. Kasi ang dami ko nang inalagaan [na pamangkin].

“Hindi ko na ineexpect na makakabuo ako. Sabi ko, okay lang na hindi ako magkaka-baby, basta mapalaki ko lang yung mga pamangkin ko. Pero biglang dumating,” kuwento ni Ethel sa naturang morning talk show.

Parehong 42 years old na sina Ethel at Jessie.

Sa parehong interview, ipinaliwanag ni Ethel kung bakit inilihim niya sa pamilya ang pagbubuntis noong una niya itong nalaman.

“Ayoko rin silang mag-worry, gusto ko nakakakilos din ako sa bahay. Ngayon nga e nung nalaman nila ang OA na. Gusto nila nakahilata na lang ako lagi,” paliwang ng Tawag Ng Tanghalan Celebrity Grand Champion.

Sa kaniyang huling YouTube video, ini-reveal ni Ethel na babae ang dinadala niya ngayon.

READ: Ethel Booba, nagtaas ng talent fee matapos manalo sa Tawag Ng Tanghalan

READ: Ethel Booba is six months pregnant

Unang inanunsyo ni Ethel ang pagbubuntis sa noontime show na It’s Showtime, noong November 15.