It’s been a while since she emerged as Grand Star Dreamer of Pinoy Dream Academy and Yeng Constantino has not forgotten the importance of her beginning in showbiz. Last December 16, the talented artist gave thanks to everyone who has been there for her during her career, especially her father Mang Lito.
She wrote:
“13 years na ko in the industry today. Ito talaga ang pinangarap ko simula nung nagkaisip ako. I never thought na magiging reality ko ito. I am very grateful sa lahat ng mga nagtiwala sakin sa journey ko. To my talent scouts Kuya Egay and Kuya Jay kayo ang nagdala sakin sa auditions, amateur singing contests basta may masalangan. To Direk @dyogilaurenti kayo po ang unang nakakita ng potential sakin at pagsusulat ko ng kanta sa industry na ito. Sa minsanang pag uusap natin you always remind me kung sino ako bilang musiko. To my Cornerstone Fam, my manager and anchor in the industry @visionerickson thank you for inspiring me to always dream and look into the future with excitement. You inspire me to always be joyful at palaging lumingon sa nakaraan at nasan na ko ngayon…
…At salamat sa Tatay ko kay Mang Lito for believing in my talent simula nung maliit pa ko. Ikaw ang unang nakakita ng potential sakin. Ikaw ang nagtyaga sakin, nagchallenge sakin, magcoach sakin, nangutang para sakin masuportahan lang ang paglayag ko sa buhay. Pa, salamat for teaching me to always be a good person at pag nakakalimot ako mabait kang nagpapaalala saking bumalik. Thank you because from you I have learned to always be grateful dahil sabi mo nga ‘bihira yang nakakapasok sa industriya na yan kaya pagpahalagan mo.’ Ikaw ang naging sikreto ng pag abot ko sa mga pangarap ko Papa. salamat!
To my Love @vcasuncion, salamat sa pagiging haligi at lakas ko ngayon. Gabay kita sa career ko kahit di ka showbiz. Ikaw ang security blanket ko. You give structure sa kalat kalat kong isipan. Thank you my Love.
To my Family thank you na proud kayo sakin. Salamat sa suporta sa mga kanta, pelikulang ginagawa ko. Minsan ko lang masabi to pero naaappreciate ko kayo. Nakikita ko mga pagpost nyo ng mga new songs and projects ko. Salamat!
Syempre sa lahat ng walang sawang nakikinig sakin may label man ang pagka-fan nila o wala, Yengster ka man O hindi... salamat! Salamat sa pakikinig ng puso ko sa aking mga kanta. Walang salita ang sasapat sa pasasalamat ko sainyo. At hangad ko lang na marami pa tayong pagsaluhang kanta sa iyakan at tawanan.
At higit sa lahat sa Panginoon. You make everything worth it. Your love is always enough. Thank you for continously healing me, loving me, pruning me and showering me with soooo much grace everyday. Thank you for blessing me and surrounding me with the right people. Thank you for giving me the songs to write. I am grateful.️ I know when all the spotlights are gone and my journey here is done yakap mo lang sapat na.”