• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion, nahirapan gawin ang love scene kasama si Joseph Marco

Yam Concepcion, nahirapan gawin ang love scene kasama si Joseph Marco

Pinuri ni Yam Concepcion ang pagiging gentleman ng kaniyang leading man na si Joseph Marco.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/18/2019 12:36 PM
Yam Concepcion, nahirapan gawin ang love scene kasama si Joseph Marco


Photo credit: @josephcmarco on Instagram

Bagong iWant original series na Uncoupling ang pagsasamahan ng aktres na si Yam Concepcion at aktor na si Joseph Marco.

Dahil unang beses na magsasama sa isang proyekto, aminado si Yam at Joseph na nagkaroon sila nang ilanagan sa isa’t isa pagdating sa ilang eksena kabilang na ang love scenes.

“Si Joseph naman, very gentleman naman siya, hindi naman siya ‘yung nambabastos,” tugon ni Yam sa naganap na bloggers conference.

“It was well executed naman and of course babae ‘yung direktor namin so parang we were taken care of.”

Ayon pa kay Yam dahil sa pagiging gentleman ng kaniyang kapareha, nahirapan siyang gawin ang kanilang love scene.

“Actually, yung love scene na ‘yun hirap na hirap ako, ‘di ba ang dami ko naman nagawang love scene pero with this one, hindi ko alam medyo naiilang ako na parang natatawa for some reason, hindi naman sa hindi ko sinerseryoso pero parang ang weird,” ani aktres.

Isa rin sa naging dahilan para mahirapan si Yam ang maingat na pag-aalaga sa kanila ng kanilang direktor na si Dwein Baltazar.

“Kasi ‘yung camera andiyan tapos ‘yung expression nang mukha mo andyan, ‘you know parang ‘eto na siya, talaga ba makikita nila kung paano ako?' At siya din [Joseph] so parang awkward talaga, pero okay naman siya noong nakita ko and napanood ko,” paliwanag ni Yam.

Dahil sa masayang set ng Uncoupling nadala rin nang emosyon ng katatawanan si Joseph habang ginagawa ang love scene kay Yam.

“May mga time na nawawala ako sa scene then nare-realize ko na ‘am i showing too much?’ kasi siyempre, ‘yun ka eh, so you want to look natural at it is,” ani Joseph.

“So paang mixed feeling na parang hindi mo alam kung ano ang mapi-feel mo and maya maya maiilang ka na parang ang dami palang tao pero konti lang pala tas’ bigla ka nalang maco-conscious ka,” pahayag pa ng aktor.

Mapapanood ang Uncoupling sa iWant simula ngayong Disyembre 20.