• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pinalad ang mga Pinay beauty queens sa mga pageants ngayong taon.

Ranking ng Pinay beauty queens sa international pageant nangulelat sa 2019

Hindi pinalad ang mga Pinay beauty queens sa mga pageants ngayong taon.

BY
Leo Bukas
Follow me on Twitter: Leo Bukas

FRESH SCOOPS

12/18/2019 12:19 PM
Ranking ng Pinay beauty queens sa international pageant nangulelat sa 2019
Photo credit: @patchmag, @michelledee and @gazinii on Instagram

Si Michelle Marquez Dee sana ang huling pag-asa ng Pilipinas para makakuha ng korona o runner-up position man lang sa international beauty pageant ngayong taon pero sadly, hindi rin siya nagtagumpay. Kinapos ang beauty niya kaya umabot lang siya sa Top 12 sa laban niya sa Miss World.

Sa apat na pinakamalaking pageants ngayong 2019—Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth—ay Top 8 lang ang pinakamataas na ranking na nasungkit ng ating Philippine representative. Ito ay si Bea Patricia “Patch” Magtanong na masuwerteng nakapasok sa Top 8 sa Miss International na ginanap sa Japan.

Sa Miss U, umabot lang sa Top 20 si Gazini Ganados na katulad din ng nangyari kay Janelle Tee na nasa Top 20 din lang sa Miss Earth.


Sa previous years—from 2010-2019—ay naitala ng Pilipinas ang pinakamatataas na ranking sa international pageant na napagwagian ng ating mga representatives.

2010: Miss Universe—Venus Raj (4th runner-up)

2011: Miss Universe—Shamcey Supsup (3rd runner-up). Miss World—Gwendoline Ruais (1st runner-up). Miss Earth—Athena Imperial (2nd runner-up --Water).

2012: Miss Universe—Janine Tugonon (1st runner-up). Miss Earth—Dianne Stefanowitz (1st runner-up—Air).

2013: Miss Universe—Ariela Arida (3rd runner-up). Miss World—Megan Young (title holder). Miss International—Bea Rose Santiago (title holder)

2014: Miss Earth—Jamie Herrell (title holder)

2015:  Miss Universe—Wurtzbach (title holder). Miss Earth --  Angelia Ong (title holder)

2016:  Miss International --  Kylie Verzosa (title holder)

2017:  Miss Earth  -- Karen Ibasco (title holder)

2018: Miss Universe  --  Catriona Gray (title holder). Miss International -- Ahtisa Manalo (1st runner-up).