• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagbabalik ng ‘The Buzz’, suportado ni Charlene Gonzales

Pagbabalik ng ‘The Buzz’, suportado ni Charlene Gonzales

Taong 2015 nang huling napanood ang Kapamilya entertainment talk show program.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/18/2019 12:48 PM
Pagbabalik ng ‘The Buzz’, suportado ni Charlene Gonzales


Photo credit: @itsmecharleneg on Instagram

Game ang former beauty queen at TV host na si Charlene Gonzales nang tanungin ito sa posibilidad na reboot nang entertainment talk show program na The Buzz.

Kasunod ito nang naging pagbisita ni Toni Gonzaga sa Tonight With Boy Abunda kung saan napagusapan ang napipintong pagbabalik ng weekly afternoon talk show.

“You know anytime that I get the opportunity, whatever show it maybe to work with Tito Boy [Abunda] and Toni [Gonzaga] again, kahit anong show 'yan gagawin ko,” sabi pa ni Charlene sa naging panayam sa naganap na premiere night ng Miracle In Cell No. 7 kung saan nagbigay suporta siya sa kaniyang asawang si Aga Muhlach.

Ayon pa sa beauty queen-host, mahal na mahal niya ang mga kasamahang host na nakasama sa noon sa programa na huling napanood sa telebisyon noong 2015.

“Mahal na mahal ko sila, they're such a talented people. I would love to work with them kahit anong show ‘yan,” pahayag pa niya.

Bukod kay Charlene, naging bahagi rin ng labin limang taon naprograma sina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, KC Concepcion, at Kris Aquino.