‘Lam-Ang’ pinakamahirap na role na ginampanan ni JC Santos

Bahagi rin si JC Santos ng dalawang pelikula sa 2019 MMFF.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/18/2019 12:56 PM
‘Lam-Ang’ pinakamahirap na role na ginampanan ni JC Santos
Photo credit: @ j.c.santos on Instagram

Aminado ang aktor na si JC Santos na hindi naging madali ang kaniyang pagganap sa stage musical na Lam-Ang.

Ayon sa stage at movie actor, sinubok nang Lam-Ang ang kaniyang talento sa pag-arte bilang isang aktor.

“Grabe, ito ang pinaka mahirap na play na nagawa ko sa buong buhay ko,” tugon ni JC sa naging panayam.


“Kasi kailangan triple threat ka e, kailangan sing, dance, and act. So medyo mahirap kasi kailangan fit and athletic ka, ito nga o may sugat ako, natamaan ako ng weapon kasi totoo ang weapon na ginagamit namin and totoo ang mga fight scenes.”

Bukod sa stage musical, malaki rin ang pasasalamat ng aktor sa pagkakabilang niya sa dalawang pelikula na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayong taon para sa pelikulang Miracle In Cell No. 7 at ng horror movie Sunod.

Kuwento ng aktor, hindi niya mailarawan ang kaniyang nararadaman sa pagbuhos nang proyekto na dumarating sa kaniya ngayon.

“Nakaka overwhelm, super blessing talaga this year. Medyo nakakapagod lang kasi hindi ko alam kung kailan ako magpo-promote. Kailangan ko lang talaga i-balance,” ani JC.

“But I'm honored kasi MMFF ‘to e, kasama ako sa festival at malaking malaking bagay ito para sa akin and para sa lahat ng mga tao na nagtitiwala sa akin,” sabi pa niya.

Sa ngayon, tutok si JC sa pag-promote ng pelikulang Miracle In Cell No. 7 at Sunod na bahagi ngayong taon sa Metro Manila Film Festival na magbubukas ngayong Disyembre 25.