• Home
  • Fresh Scoops
  • Biro ni Angeline Quinto, siya ang founder ng SMP o Samahang Malalamig ang Pasko.

Angeline Quinto, proud ‘founder’ ng Samahang Malalamig ang Pasko

Biro ni Angeline Quinto, siya ang founder ng SMP o Samahang Malalamig ang Pasko.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/18/2019 10:37 AM
Angeline Quinto, proud ‘founder’ ng Samahang Malalamig ang Pasko
Photo credit: @loveangelinequinto on Instagram

Hindi naman itinanggi ni Angeline Quinto sa Magandang Buhay na ilang taon na rin siyang nagpa-Pasko na walang kasintahan.

Biro naman ng singer, siya na ng founder ng Samahang Malalamig ang Pasko o SMP.

“Siguro nasanay na po ako. Siguro ilang Pasko na rin ‘yung single ako, siguro mga apat (na taon). Pero kagaya nga ng sinasabi ko sa ibang tao, napakaraming paraan para maging masaya,” kwento ni Angeline.


Para kay Angeline, kuntento na siya na makasama ang kanyang pamilya sa araw ng Pasko.

“Saka sobra-sobra na po sa akin na makasama ko lang po ‘yung buong pamilya ko. Kuntento na po ako roon.”

Naugnay naman noon si Angeline sa kapwa niya singer na si Erik Santos. Sinabi rin niyang ipapaalam niya sa publiko kung sakali mang dumating na ang tamang lalaki para sa kanya.

“Ang maipapangako ko lang po kapag dumating ‘yung time na 'yon, sakaling dumating ang lalaking ibibigay ng Diyos para sa akin, ay dito ko po talagang unang ishi-share sa Magandang Buhay.”