• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinunyag din ni Vincent del Rosario kung ano ang pelikulang pinakamalaking kinita sa kanila ngayong taon.

Vincent del Rosario, nag-react sa pagkabawi ng amusement tax rebates sa mga pelikula

Ibinunyag din ni Vincent del Rosario kung ano ang pelikulang pinakamalaking kinita sa kanila ngayong taon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/17/2019 02:41 PM
Vincent del Rosario, nag-react sa pagkabawi ng amusement tax rebates sa mga pelikula

Ayon sa kuwento ni Vincent del Rosario ng Viva Films, ang pelikulang Jowable ni Kim Molina ang nag-akyat ng pinakamamalaking milyones sa kanilang kompanya nitong 2019.

“Baka second after nung Maging Sino Ka Man, pero hindi, eh. Hindi mura (ang puhunan) don, eh. Pero based on return of investment (ROI) in recent time, pinakamalaki ang sa Jowable.”

Inamin din ng producer na halos P6 million lang ang puhunan nila sa Jowable pero kumita itong P110 million sa box office.


“None of the actors there are headliners themselves—si Candy (Pangilinan), Kim Molina, even si Kakai (Bautista), hindi eh. Nakakatuwa lang kasi wala siya sa bible namin na… siyempre hahanapan kung sinong lead.

“I think yung dito sa amin parang we’re very adventurous the way we cast, the way we choose materials. Hangga’t maaari, ito ba’y labas sa kahon (out of the box), pag labas sa kahon mas nae-excite kami. Maraming times nagpi-fail, may times na nakakatalisod (kumikita),” wika pa ni Boss Vincent.

Ibinida rin ng Viva producer ang kanyang excitement tungkol sa 2019 Metro Manila Film Festival movie nilang Miracle In Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach.

Kwento niya, “Parang who would imagine si Aga playing ano… against type. Parang kung titingnan mo si Aga, siya si Tom Cruise natin, di mo ma-imagine, di ba, pero na-accept niya, na-embrace niya yung role. Saka walang diva sa set, lahat yon karamihan nagbibida. Minsan wala silang shoot aatend sila ng syuting.

“It’s a small movie nung nilabas sa Korea that did well, I think it’s top 10 all-time there, so dadating sila sa Pilipinas just to observe what’s happening, magpo-promote. That’s how much they’re embracing the project. Hindi yung parang, ‘Oh, nalesensiyahan na natin, okey na!’ Hindi, eh. Parang they wanted to be successful, they want to spread the love, yung message nung movie.”

Samantala, kinuha na rin ng PUSH reaksyon niya sa inilabas na desisyon ng Supreme Court nung December 10, 2019 tungkol sa amusement taxes for graded films ng Cinema Evaluation Board na nakakakuhang 100% tax rebate kapag Graded A at 50% kapag Graded B naman.

“Sad… sad dahil maraming taga-industry nanabibigyan ng tulong nung rebate, eh. I think magkaka-impact yon lalo na don sa mga independent na mga producers, sa lahat naman actually.

“Parang tulong lang naman yon na dapat hindi ipagkait sa industry whether it be sa national government or sa mga local government. I think may may mga cities naman na wine-waive ang amusement tax, some cities but not all.

“So hopefully matulungan tayo ng mga kaibigan natin sa legislatures para mahanapan ng way kung paano pupuwedeng maibalik. Yung ratings kasi meron pa rin yon, pero wala na yung rebate,” pahayag pa niya.

Sinigurado naman ni Vincent na hindi maaapektuhan ang paggawa nila ng pelikula sa Viva nangdahil sa nangyari.

“Hindi. Next year I think we’re lining up a minimum of 30 movies,” huling pahayag niya sa PUSH.