• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto nagbigay komento sa nababalitang ugnayan nina Vico Sotto at Gretchen Ho.

Vic Sotto, nag-react sa ugnayang Vico Sotto at Gretchen Ho

Vic Sotto nagbigay komento sa nababalitang ugnayan nina Vico Sotto at Gretchen Ho.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/17/2019 11:39 AM
Vic Sotto, nag-react sa ugnayang Vico Sotto at Gretchen Ho
Photo credit: @ManilaPIO Twitter and @gretchenho Instagram

Kumalat kamakailan ang balitang posibleng may ugnayan sina Pasig City Mayor Vico Sotto at TV host Gretchen Ho nang namataang sabay silang nanood ng volleyball game sa idinaos na Southeast Asian Games.

LOOK: Gretchen Ho and Pasig Mayor Vico Sotto spotted at a volleyball match

Sa panayam naman ng ABS-CBN News sa Mission Unstapabol: The Don Identity star at ama ni Vico na si Vic Sotto, sinabi nitong ayaw muna niyang maniwala sa balitang may relasyon sila habang hindi ito kinukumpirma ng kanyang anak.


“I don’t think so. Malalaman ko personal(ly) kapag merong confirmation. But knowing him, I don’t think he has time. Wala siyang panahon,,” ani Vic.

Dati nang nilinaw ni Vico na wala siyang panahon pagdating sa kanyang buhay pag-ibig lalo pa’t siya ang itinalagang alkalde ng Pasig. Sang-ayon naman si Vic dito at sinabing busy daw talaga ang kanyang anak.

“Wala siyang panahon eh kung sa akin nga wala siyang panahon,” natatawang sagot ni Vic. “Dati every week nag di-dinner kami, ngayon medyo every other week na lang. Bising-bisi talaga marami siyang inaayos sa Pasig,” aniya.

Si Vico ay anak ng beteranong TV host-comedian sa aktres na si Coney Reyes.

Natanong din si Vic kung handa na ba siyang dagdagan ang anak nila ni Pauleen Luna. Ang kanilang daughter na si Tali ay nag-two years old na nung nakaraang buwan. “Oh yes definitely. Naghahanap na ng kalaro si Tali eh. Hinihintay ko pang lumamig pa eh yung panahon (laughs). Wala pa eh, bitin pa. Medyo busy pa ako sa pelikula,” aniya.