SB19, sold out ang tickets sa loob ng tatlong minuto

Dinumog ng fans ang concert ticket sale ng grupong SB19.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/17/2019 11:19 AM
SB19, sold out ang tickets sa loob ng tatlong minuto

Masayang ibinalita ng Pinoy pop group na SB19 na sold out na sa loob lamang ng tatlong minuto ang kanilang kauna-unahang major concert na gaganapin sa Disyembre 28.

Nagpasalamat din sila sa kanilang taga-suporta, na kilala rin sa tawag na “A’TIN.”

“A’TIN, we successfully filled out all 3,500 seats in just 3 minutes! Thank you very much for patiently waiting. We’re sorry for making you nervous,” pahayag ng SB19.


 

 

Binigyang pag-asa naman ng SB19 ang kanilang nabigong fans nang pinaalalahanan din nila ang mga nakabili na ng ticket na ikansela na lamang ito kung nag-register sila ngunit hindi naman pala pupunta.

“A’TIN! We know that a lot of you weren’t able to get their tickets. So for those who registered but aren’t sure of attending, please send us an email at [email protected] if you want to cancel your slot.”

 

 

Unang ipinakilala sa publiko ang grupong SB19 noong ilabas nila ang kantang “Tilaluha” noong 2018.

WATCH: KILALANIN: Ang kauna-unahang Pinoy group na nag-training sa South Korea | Push TV

Unti-unting nakilala ang grupo nang mag-viral ang kanilang dance practice para sa kanta nilang “Go Up.” Sumailalim sa matinding training ang grupo sa isang Korean entertainment company.

Sa kanilang panayam sa Rated K ay nais umano nilang makilala bilang isang Pinoy pop group.

READ: SB19, gustong makilala bilang Pinoy Pop group

Nitong Nobyembre lamang ay napabilang sa Billboard’s Next Big Sound Chart ang SB19.

READ: SB19 lands on the ‘Next Big Sound’ chart of the US Billboard

Ang SB19 ay kinabibilangan nina Sejun, Stell, Ken, Josh, at Justin.