• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay ng payo si Judy Ann Santos sa kanyang kapwa aktres at onscreen sister na si Sarah Geronimo kaugnay ng engagement nito sa kanyang long-time boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Judy Ann Santos, may payo kay Sarah Geronimo sa paga-asawa

Nagbigay ng payo si Judy Ann Santos sa kanyang kapwa aktres at onscreen sister na si Sarah Geronimo kaugnay ng engagement nito sa kanyang long-time boyfriend na si Matteo Guidicelli.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/17/2019 02:47 PM
Judy Ann Santos, may payo kay Sarah Geronimo sa paga-asawa
Photo credit: @matteog on Instagram

Nagbigay ng payo si Judy Ann Santos sa kanyang kapwa aktres at onscreen sister na si Sarah Geronimo kaugnay ng engagement nito sa kanyang long-time boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Matatandaang naging malapit ang dalawa sa totoong buhay matapos nilang gumanap bilang mag-ate sa sikat na 2010 comedy-drama film na "Hating Kapatid".


Sa episode ng "Tonight With Boy Abunda", natanong ng TV host na si Boy Abunda ang tinaguriang Teleserye Queen kung may payo ba siya para kay Sarah hinggil sa paga-asawa.

“Huwag mo lang masyadong seryosohin ang pag-aasawa. Darating siya, eh. Don’t stress yourself with things that you cannot control, because it’s already there,” sagot ni Judy Ann.

“Just enjoy the first years of marriage, the years na kayong dalawa lang,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay sampung taon nang kasal si Judy Ann sa aktor at television host na si Ryan Agoncillo. May tatlo silang anak na nagngangalang Yohan, Lucho, at Luna.

Patuloy ni Judy Ann: “Aralin mo, intindihin mo mabuti, pagsilbihan mo ang asawa mo. I’m sure si Matteo will serve her, take good care of her, protect her. Namnamin niya ‘yung moment, because iba ‘yung first months, and first year ng bagong kasal. Ang sarap!”