• Home
  • Fresh Scoops
  • Chad Kinis: ‘If sasabihin na I’m gonna be the next Vice Ganda napakakapal naman po ng mukha ko’

Chad Kinis: ‘If sasabihin na I’m gonna be the next Vice Ganda napakakapal naman po ng mukha ko’

Pumirma ng movie contract sa Viva Films ang komedyante at Miss Q and A grand finalist ng It’s Showtime na si Chad Kinis.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/17/2019 2:31 PM
Chad Kinis: ‘If sasabihin na I’m gonna be the next Vice Ganda napakakapal naman po ng mukha ko’


Photo credit: @chadkinis on Instagram

Pumirma ng movie contract sa Viva Films ang komedyante at Miss Q and A grand finalist ng It’s Showtime na si Chad Kinis. Mapapanood si Chad sa 2019 Metro Manila Film Festival movie ni Vice Ganda at Anne Curtis na The Mall, The Merrier (ng Star Cinema at Viva) at sa #Tililing na ipapalabas naman next year.

Hindi kaya siya na ang magiging next Vice Ganda ng showbiz?

“Hindi po!” pagtutol agad ni Chad. “Kasi wala na pong magiging next Vice Ganda. Wala na pong magiging next Vice Ganda kasi Vice Ganda is the epitomy ofg reatness and discipline of the comedy world.

“Yon po ang tingin ko sa kanya, eh, kasi kung alam n’yo lang po kung gaano kadisiplinado si Vice lalo na sa kanyang craft. Iba siya. Kaya nga yung narating niya deserve na deserve niya yon,” sambit pa niya.

Dagdag pang paliwanag ni Chad, “If I’m going to be like sasabihin na I’m going to be the next Vice Ganda napakakapal naman po ng mukha ko. Kasi hindi mo matatawaran poang galing ni Vice, eh.

“I’ve witnessed it first hand, I’ve been with her for several years at alam ko na hindi magkakaroon ng susunod na Vice Ganda. The only thing that I want to happen is there will be a Chad Kinis, yon po yung pangarap ko – not to be like Vice Ganda. I just want to be me. I want to be acknowledged for who I am.”

Nagbigay din ng halimbawa si Chad kung paano pinapraktis ni Vice ang magandang disiplina niya sa trabaho.

“Si Vice po, for example, pinakamaliit na bagay po sa disiplina lalo na nung nagsisimula pa lang siya sa comedy bar, hindi siya maghuhubad ng sapatos niya sa entablado hanggang merong tao at merong customer. Hindi siya bababa ng entablado hangga’t oras niya.

“Kasi meron pong mga entertainers na pag konti na lang ang tao, tamad na. Siya, kahit isang table, dalawang table yan, bigay pa rin. Performance level parin. Kasi yon naman po ang binabayaran sa amin it doesn’t matter kung gaano kadami ang tao. What matters is kung ano yung trabaho mo,” lahad pa niya.

“Yon po ang tinuturo sa amin ni Vice—na just have to be disciplined kasi kung hindi po siya disiplinado hindi siya makakarating sa ganyan. Yung pananamit niya, pamumuhunan sa sarili, pag-aalaga, yon ang natutunan namin sa disiplina niya. Napaka-strict niya pagdating po sa propesyon niya,” huling pahayag niya sa PUSH.