• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda sa kaniyang nanay Rosario: ‘Proud na proud ako na nanay kita’

Vice Ganda sa kaniyang nanay Rosario: ‘Proud na proud ako na nanay kita’

Emosyonal na nakatanggap ng mensahe ang ina ni Vice Ganda na si nanay Rosario, matapos mag-iwan ng video message ang Unkabogable Star.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/16/2019 3:30 PM
Vice Ganda sa kaniyang nanay Rosario: ‘Proud na proud ako na nanay kita’


Hindi napigilang maging emosyonal ng ina ni Vice Ganda na si nanay Rosario matapos makatanggap ng video message sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, Disyembre 16.

Ibinahagi ni Vice sa naturang video ang pagpapasalamat at pagka-proud niya sa kaniyang ina sa kabila ng pagiging busy niya sa trabaho.

“Gusto ko lang sabihin sa iyo na proud na proud ako na anak mo ako. At proud na proud ako na nanay kita. Gusto kong malaman mo na kahit ang dami-dami naming pagkukulang sa iyo ay hindi nababawasan ang pagmamahal namin sa iyo. Malaking blessing sa Diyos na magkakapatid kami at ikaw ‘yung nanay namin at anak mo kami,” pahayag ni Vice.

Nagsimula namang magpigil ng kaniyang emosyon ang Unkabogable Star nang sabihing, “Hindi kami perpekto pero mahal na mahal ka namin. Sa mga oras na nalulungkot ka, sa mga oras na nag-iinit ang ulo mo, sa mga oras na feeling mo ay nakakalimutan ka namin, tandaan mo lagi, may pagkukulang lang tayo, may kahinaan lang tayo pero mahal na mahal natin ang isa’t isa. I love you.”

Tuluyan na rin naiyak si nanay Rosario nang matapos ang mensahe ng anak at sagutin ang nakaka-touch nitong mga salita.

“Kasi lagi akong naiiwan sa bahay. Kung minsan nagrereklamo ako sa kanya, ‘Kailan mo ako bibigyan ng oras, anak?’ Ganun. Kasi nakakalungkot, may kanya-kanya na sila, kung minsan 'di na kami sabay-sabay kakain, kasi iba-iba ang time nila. Kaya nagrereklamo ako sa kanya kung minsan. ‘Sorry, ‘Nay, babawi ako,’” kuwento ni nanay Rosario.

Pagpapatuloy ng ina, sa tuwing bisperas ng Pasko lang sila nagkakaroon ng mahabang pagsasama nila Vice at ng buong pamilya.

“Wala kang pagkukulang anak. It’s that marami kang pananagutan na ngayon. Mas na-lessen ang time mo sa akin pero it’s okay, anak. Naglalambing lang ako sa inyo once in a while when I feel so lonely, but all of you, mahal na mahal ko kayong lahat. And everything is forgiven, kung anuman ang shortcomings kung minsan, napapatawad 'yon anak dahil we are one family,” pa-huling mensahe naman ni nanay Rosario para sa kaniyang Tutoy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It’s Sunday. Day off. Im just in bed now. Wondering. Looking back. Feeling grateful for all the blessings God has been showering me. So much have changed. My status, my looks, my sorroundings, my life. Im thankful that despite the many changes in my life God did not allow one thing to change. That is my love for my family. My family is imperfect. Flawed. Problematic. I must say Toxic. We have differences. A lot of issues that we still work on and try to resolve. We annoy each other. But one thing is for sure. Deep in our hearts we GENUINELY LOVE EACH OTHER. We fight but we got each other’s back. At times we cant stand one another. But we will never leave and give up on each other. I will grow old and may lose my memory. But my heart will always remember that i love my one, only and true FAMILY.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

READ: ‘You’re a blessing’: Fan thanks Vice Ganda for helping child’s heart surgery

READ: Vic Sotto, willing makasama si Vice Ganda sa future MMFF?

Bida ngayon si Vice sa bagong pelikula na The Mall The Merrier na kasapi sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Kasama niya rito sina Anne Curtis, Dimples Romana, Tony Labrusca, at ang nobyong si Ion Perez.