Judy Ann Santos, no expectations sa MMFF Gabi ng Parangal

Matapos masungkit ang best actress award, maugong si Judy Ann Santos na itatanghal bilang best actress sa Gabi ng Parangal ng 2019 MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/16/2019 4:18 PM
Judy Ann Santos, no expectations sa MMFF Gabi ng Parangal


Photo credit: @officialjuday IG

Hindi parin lubos na maisip ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos na makakasungkit siya ng Best Actress award sa naganap na 2019 Cairo International Film Festival para sa kaniyang pagganap sa pelikulang Mindanao.

READ:  Judy Ann Santos, wins Best Actress at 41st Cairo International Film Festival

Kuwento ni Juday, hindi niya lubos na akalain na mapapansin ng international audience ang kaniyang pang telebisyon lamang noon na performance.

“Pangarap ko lang naman ay makasali ang pelikula sa international film festivals, ma-experience ko sila. Kaya ‘yung Busan Film Festival, para akong bata, para akong nasa playground kung makatingin ako. Pero ‘yung maging best actress sa international film festival, hindi ko siya ma-digest, na parang ‘totoo ba talaga ito?’ Kasi alam ko sa teleserye lang ako nagsimula,” sabi ng aktres sa panayam.

Dahil sa Best Actress award ni Juday, hindi rin naiwasan na mahingi ang kaniyang reaksyon sa pag-ugong ng kaniyang pangalan bilang best actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF.

“You know at the end of the day, pare-pareho lang kaming gumagawa ng pelikula para ilabas sa mga tao sa araw ng Pasko. Magbigay ng smile, magbigay ng happiness sa mga tao, or takutin sila,” ani Juday.

Para sa aktres, pare-pareho lang na ibinigay ng mga bida ng pelikula ang kanilang trabaho para sa mga manonood.

“Ang awards night, bonus na yan sa mga artista, but we’re just doing our job. It’s not a competition of acting skills, who’s the best, who’s not, pero pagkatapos ng araw na ito, lahat kami nag-trabaho ng buong puso at sapat na ‘yun,” pahayag pa ni Judy Ann.

Sa ngayon, sariling sikap si Judy Ann para i-promote ang pelikulang Mindanao.

Mapapanood ang Mindanao at iba pang pelikula sa MMFF ngayong December 25.