• Home
  • Fresh Scoops
  • Ani Jane de Leon pinaghihirapan niya ang role ng Darna at hindi ito basta ‘swerte’ lamang.

Jane de Leon ibinahagi ang mga sakripisyo para sa role na ‘Darna’

Ani Jane de Leon pinaghihirapan niya ang role ng Darna at hindi ito basta ‘swerte’ lamang.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/16/2019 11:38 AM
Jane de Leon ibinahagi ang mga sakripisyo para sa role na ‘Darna’
Photo credit: @imjanedeleon on Instagram

Aminado si Jane de Leon na simula nung ibigay sa kanya ng Star Cinema ang pagkakataon para gampanan ang role ng Pinoy iconic hero na si Darna sa pelikula ay  marami na siyang isinakripisyo lalung-lalo na raw ang kanyang oras sa pamilya at sa sarili.

“Emotionally po sobrang hirap. Siguro yung mga ibang tao sinasabi nila, ‘Ang suwerte naman niyan naging Darna siya, suwerte naman ng batang ito,’ pero sobrang grabe yung kailangan mong ibuhos sa dedikasyon para dito at ang dami ko ng sinakripisyo para sa proyektong ito.

“Yung oras po is number one --  yung oras ko sa family ko, oras ko sa sarili ko and lahat yon binuhos ko sa pagte-training ko. Minsan umiiyak na ako kasi sobrang hirap po talaga, pero naalala ko lang yung dating ginagawa ko, na kung nalampasan ko yung isang taon na paghihirap, yung isang araw na pagtitiis bakit hindi ko malalampasan,” emosyonal na pahayag ng dalaga about her journey bilang bagong Darna.


Ang Darna rin daw para sa kanya ang katuparan nang matagal na niyang ipinagdarasal na mabigyan ng malaking break sa industriya ng showbiz.

Lahad ni Jane, “Kahit naman po siguro kahit sinong artistang nagsisimula naghahangad ng big break. Pero sa panahon po kasi ngayon, araw-araw may sumusulpot na bagong artista, may nadi-discover na gustong magkaroon ng proyekto. Kaya sabi ko noon, mapapansin pa ba ako? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang makamit yung tamang break para sa akin.

“Mabuti na lang po at hindi talaga ako sumuko. Never po talaga akong sumuko. Lahat ng audition pinuntahan ko talaga. Dumaan ako sa pagiging extra, nag-extra po ako 15 years old ako.

“Pero wala akong ginawa kundi magdasal lang talaga. Do’n ako kumapit hanggang ito na nga, dininig yung dasal ko. Mas malaki pa kesa sa mga ipinagdasal ko yung binigay ni Lord sa akin kasi si Darna yung binigay.” Si Jane ay na-discover ng  talent supplier na si Tyronne Escalante na nag-put-up na rin ng sarili niyang talent agency na tinawag niyang TEAM. Kino-comanage ni Tyronne si Jane sa Star Magic.

Tanong namin kay Jane, hindi kaya dumating ang time na iiwanan din niya ang discoverer at lilipat siya sa ibang manager?

“Sinabi ko kay Kuya Tyrone kahit nung nagsisimula pa lang ako, nag-promise po talaga ko sa kanya na balang araw kapag nakakuha kami ng magandang  proyekto, hindi ko siya iiwan. Pareho kasi kaming nangangarap noon, kaya alam ko rin yung hirap na pinagdaanan niya,” sambit niya.

Dagdag pang kuwento ni Jane,  “Alam n’yo po ba kapag sumusweldo, kasi siyempre hindi naman ganun kalakihan yung nakukuha ko, pag sinasabi ko po kay Kuya Tyrone na may kailangan ako, hindi niya muna ako kinukunan ng komisyon, huwag daw muna.

“Ganun po siya kabait. Iniintindi niya ako. At sobrang naa-appreciate ko po yon dahil pamilya na ang turing niya sa akin. “Siyempe, nagwo-worry din siya. Sinasabi niya sa akin, ‘Jane, baka lumipat ka na…  baka iwan mo ako,’ ganyan. Kasi ang totoo, patapos na yung contract ko, pero sinabi ko sa kanya na huwag siyang mag-alala kasi hanggang sa huli hindi ko siya iiwan,” pangako ni Jane sa kanyang manager.