Jake Cuenca, handa na nga ba pakasalan si Kylie Verzosa?

Regular na napapanood ngayon si Jake Cuenca sa horror series na The Haunted at kita na inspirado ngayon ang aktor dahil sa kanyang girlfriend na si Kylie Verzosa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/16/2019 10:07 AM
Jake Cuenca, handa na nga ba pakasalan si Kylie Verzosa?


Regular na napapanood ngayon si Jake Cuenca sa horror series na The Haunted at kita na inspirado ngayon ang aktor dahil sa kanyang girlfriend na si Kylie Verzosa.

Very open na ang dalawa sa kanilang relasyon, at aminado si Jake na magandang influence sa kanya si Kylie.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

So into you 😍, can’t wait for you to come home. ❤️

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

👧🏻 🐶 👦🏻

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

 

“Alam nya kung ano ang gusto niya, kapag sinabi niya na mahal niya ako walang ka duda-duda, so ako rin naman at napaka supportive niya, loving at inaalagaan niya talaga ako,” sabi pa ni Jake.

Ayon pa sa Kapamilya star, pinaghahandaan na niya ang next level ng kanilang relasyon at pansin na din ang mga nagbago sa kanyang lifestyle.

“Wala pa namang na set for that, pero as of now pinaghahandaan ko na finances... yung lifestyle ko rin ngayon lagi ko iniisip na nakadugtong ang pangalan ko sa pangalan nya... ayun financially pinaghahandaan ko na,” kuwento pa ng aktor.

Bahagi ngayon si Jake ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Mission Unstapabol: The Don Identity, na ipapalabas ngayong December 25.