• Home
  • Fresh Scoops
  • Brillante Mendoza, sariling kayod sa float ng ‘Mindanao’

Brillante Mendoza, sariling kayod sa float ng ‘Mindanao’

Sa December 22 na magaganap ang annual Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/16/2019 10:45 AM
Brillante Mendoza, sariling kayod sa float ng ‘Mindanao’


Photo credit: Liza Diño-Seguerra Facebpok

Habang abala ang mga bituin sa pag promote ng kanilang pelikula sa Metro Manila Film Fest, tutok naman ang award-winning director na si Brillante Mendoza sa pag buo ng kanilang gagamitin na float para sa parada ngayong taon. 

Sa ibinahaging Facebook post ng FDCP chairperson na si Liza Diño, pinuri nito ang ilan sa mga detalye ng gagamitin na float na gagamitin sa parada.

“Wow...sariling kayod. Direk Brillante Mendoza channeling the production designer he once was as he personally takes on the task of making the FLOAT for his film MINDANAO, starring Judy Ann Santos and Allen Dizon. MINDANAO is an official entry to the 2019 Metro Manila Film Festival. Goooo direk! Para-paraan! Galing! Talk about being HANDS-ON,” caption ni Liza sa post.

Ang Mindanao, na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos at Allen Dizon, ay naguwi na ng parangal mula sa katatapos lang na Cairo International Film Festival.

Sa December 22 na magaganap ang annual Metro Manila Film Festival Parade of Stars.