• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, nananatiling positibo sa kabila ng nararanasang bashing

Vice Ganda, nananatiling positibo sa kabila ng nararanasang bashing

Nananatili pa ring positibo ang Kapamilya star na si Vice Ganda sa kabila ng mga panlalait at pagbabantang natatanggap niya mula sa kanyang bashers.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2019 2:06 PM
Vice Ganda, nananatiling positibo sa kabila ng nararanasang bashing


Photo credit: @praybeytbenjamin on Instagram

Nananatili pa ring positibo ang Kapamilya star na si Vice Ganda sa kabila ng mga panlalait at pagbabantang natatanggap niya mula sa kanyang bashers. 

Sa Twitter nitong Sabado, naghayag ang “It’s Showtime” host ng kanyang saloobin kaugnay ng bashing at cyberbullying na patuloy niyang nararanasan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gandang mas fresh pa sa bagong pigang gatas mula sa dodo ng cow.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

“Every single day I get bashed. Everyday may mga nagwiwish na malaos ako. Meron pa ngang nagwiwish na mamatay ako e. Di lang isa. Madami. Masakit. Pero nagpapakatatag ako. Sayang naman ang mga sinimulan ko at nakamit na tagumpay kung ngayon pako susuko,” tugon ng komidyante.

Ngunit ayon kay Vice, mahirap man ay determinado pa rin siyang magpatuloy sa pagpapatawa para sa kanyang mga tiga-suporta. 

Aniya, “Napatunayan ko din na kung merong may ayaw sakin e maron din namang may gusto sakin. At di lng gusto. Mga taong mahal ako. At napatunayan kong mas higit na marami sila. At sila ang mas mahalaga.”

Patuloy niya, “Kung susuko ako paano naman yung mga taong mlulungkot na umaasa sakin para muli silang sumaya. Maraming may sakit na nanunood sakin para tumawa sila at makalimutang may karamdaman sila. Marami sila. Kung susuko ako paano sila. Kumpara sa mga may ayaw sakin, sila ang mahalaga.

“Araw araw nagdadasal ako n bigyan pko ng lakas para magpatuloy ako. Kasi gusto kong magpatuloy. Mahirap pero masaya pa rin nman ang buhay. Kaya kung kaya ko kaya mo din. Dasal. Laban. Dasal. Laban. Yan lng ang routine. Pag sumuko tyo di mo makikita ung magandang nagaantay satin.”

Samantala, nagpapasalamat naman si Vice dahil hindi siya “natuluyan” noong sinubukan niyang kunin ang kanyang sariling buhay mahigit 25 taon na ang nakalilipas.

“Kung nagkataon di ko nalalasap ang sarap ng buhay ko ngayon,” dagdag niya.