• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB: Otso big winner Yamyam Gucong, hiling ang agarang paggaling ni Fumiya Sankai

PBB: Otso big winner Yamyam Gucong, hiling ang agarang paggaling ni Fumiya Sankai

Naging malapit na magkaibigan sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong nang sumali sila sa ‘Pinoy Big Brother: Otso.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2019 12:24 PM
PBB: Otso big winner Yamyam Gucong, hiling ang agarang paggaling ni Fumiya Sankai


Photo credit: @23shun_base on Instagram

Matapos sumalang sa operasyon ng Home Sweetie Home Extra Sweet star na si Fumiya Sankai, hiling naman ng kanyang katrabaho at kaibigan na si Yamyam Gucong na gumaling na siya agad.

Read:Fumiya Sankai to undergo operation because of a hole in his lung

"Para sa aking spiritual brother, sana gumaling ka kaagad… Sana po ay makabalik na siya rito para magka-bonding kami ulit at magkatrabaho kami ulit,” ani Yamyam nang makapanayam siya ng ABS-CBN News

Inamin din niya na nalungkot siya sa balitang nagkasakit ang kanyang “spiritual brother.”

"Siyempre nalungkot ako kasi supposedly ngayon ay taping namin sa Home Sweetie Home, dapat taping naming dalawa. Nalungkot ako. Nakaka-miss din ang bonding namin dito. Tapos 'yun nga, nagkasakit siya bigla.”

Parehong sumali sa Pinoy Big Brother: Otso sina Fumiya at Yamyam at naging malapit na magkibigan na sila mula noon.

Sa huling update naman ni Fumiya ay naging matagumpay ang kanyang opera sa baga.

Read: Former PBB housemate Fumiya Sankai had a successful lung operation in Japan