• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Maja Salvador, wala pang nangyayaring wedding proposal sa kanila ng kaniyang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Maja Salvador, nilinaw na hindi pa prenup photos ang mga naka-post sa kaniyang Instagram

Ayon kay Maja Salvador, wala pang nangyayaring wedding proposal sa kanila ng kaniyang boyfriend na si Rambo Nuñez.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2019 12:55 PM
Maja Salvador, nilinaw na hindi pa prenup photos ang mga naka-post sa kaniyang Instagram

Nilinaw ng The Killer Bride lead star Maja Salvador na wala pang nagaganap na wedding proposal at prenuptial photoshoot sa kanila ng kaniyang nobyong si Rambo Nuñez.

"Hindi, di ba nauuso [yun]. Siyempre nakiuso lang ako sa mga sweet escape na 'yan. So nung nandun na, sayang kung puro selfie lang. So kumuha kami ng photographer," paliwanag ni Maja sa naganap na Thanksgiving event ng The Killer Bride nitong Sabado, December 14.

"Ta's very awkward kami kasi yung mga pinapagawa sa amin [na pose] pang prenup na. So tawang tawa kami," dagdag ng aktres na tinutukoy ang mga travel photos nilang nakapost sa kaniyang Instagram.

Read: VIVA LA VIDA! Maja Salvador celebrates her birthday in Mexico and Cuba

Read:Maja Salvador and Rambo Nunez explore Havana


Ayon pa sa Dance Princess, isa sa mga pagkakasundo nila ng kaniyang boyfriend ay ang pagkahilig nilang mag-travel. Kaya't isa rin ito sa mga nilu-look forward niya sa susunod na taon.

"Wala pa man, pero parang may butterflies na sa stomach ko hindi ko alam kung bakit. Parang I'm very excited na mag-2020 maybe because nalalapit na ang pagtatapos ng The Killer Bride, but happy din kasi ang dami ring travels din ang naka-ready na naka-plan. So may mga na-book na kami so very excited na akong mag-travel ulit," paliwanag niya.

Sa usapang kasal, aminado naman ang aktres na handa na siya.

Nakatakdang mag-celebrate ng pasko si Maja at Rambo kasama ang mga magulang ni Maja. Habang lilipad naman sila papuntang Japan para salubungin ang bagong taon, kasama ang pamilya ni Rambo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy to be with you Mi Amor 💕

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Inanunsyo din sa naganap na The Killer Bride Media Thanksgiving, na mapapanood na sa iWant ang mga 'Uncut' episodes ng serye. Ayon sa mga direktor at writer, mapapanood dito ang mga eksenang hindi ipinalabas sa TV dahil sa pagka-sensitibo nito.