• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, bukas sa posibilidad na makasama si Arjo Atayde sa isang proyekto

Maine Mendoza, bukas sa posibilidad na makasama si Arjo Atayde sa isang proyekto

Hindi lang bukas ngunit umaasa si Maine Mendoza na makasama niya sa iisang proyekto ang kasalukuyang nali-link sa kanya na si Arjo Atayde.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2019 2:50 PM
Maine Mendoza, bukas sa posibilidad na makasama si Arjo Atayde sa isang proyekto


Photo credit: @ arjoatayde and @mainedcm on Instagram

Hindi lang bukas ngunit umaasa si Maine Mendoza na makasama niya sa iisang proyekto ang kasalukuyang nali-link sa kanya na si Arjo Atayde.

Sa panayam ng press sa media conference ng Metro Manila Film Festival entry na “Mission Unstapabol”, inihayag ng aktres na sa kasalukuyan ay mayroong sinusulat na istorya si Arjo para sa kanilang dalawa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

happy birthday ♡

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

“Sana po,” tugon ni Maine nang matanong sa posibilidad na makatrabaho niya si Arjo sa iisang proyekto. “Kasi mayroon din siyang sinusulat na istorya… at nagpo-produce na rin naman siya so…”

Sa parehong conference, kinumpirma ni Maine na siya nga ang nag-initiate ng naganap na dinner kasama siya at ang pamilya Atayde.

 

 

“‘Di, napag-usapan lang po before kasi hindi na po nasundan ‘yung na-meet ko ‘yung parents sa bahay nila. Ang nagsakto pa na ‘yung two movies and nagse-segue ako so parang sinabi ko lang kay Arjo na, ‘Ito na. Mayroon na. May free time na. Dinner na tayo,’” sabi pa ng 24-year-old star.

Samantala, ipinagkibit-balikat na lang ni Maine ang bashing na natanggap ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez matapos akusahan ng ilang netizens ng pamemeke sa litratong ibinahagi niya sa social media mula sa nasabing dinner. 

“Oo nga po, eh… Edited daw talaga,” sumbat niya.

Sa kabila ng patuloy na bashing na natatanggap nila ni Arjo, nananatiling masaya si Maine sa kanilang estado. Sa katunayan, naging malapit na rin daw ngayon ang aktor sa kanyang mga kapatid.

“Opo, sobra. Mas close pa nga sila ng kapatid ko kaysa sa ‘kin,” aniya. “Ganoon po ‘yung na-establish niyang relationship sa mga kapatid ko.”

Nang matanong naman ng media kung bakit tila mas bukas na sila ngayon ni Arjo ukol sa kanilang special relationship, sagot ni Maine: “Eh kasi wala naman na pong dapat itago. ‘Yun lang. Open naman na po kami.”