• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia at Janella Salvador, opisyal na nga bang love team?

Joshua Garcia at Janella Salvador, opisyal na nga bang love team?

Parehas na masaya na magkasamang magkatrabaho ngayon sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2019 12:41 PM
Joshua Garcia at Janella Salvador, opisyal na nga bang love team?


Sa ipinalabas na Christmas Special Concert nitong Sabado, December 14, inilinya na sa mga sikat na Kapamilya love teams ang tambalan nila Joshua Garcia at Janella Salvador, o mas kilala bilang JoshNella.

Read:Joshua Garcia and Janella Salvador reveal why they needed a sensuality workshop

Nang humarap sa press ang The Killer Bride love team habang nasa kanilang Thanksgiving event, ibinahagi ng dalawa na masaya silang ipagpatuloy ang tambalan sa mga susunod nilang proyekto.

"Ako sobra kong nae-enjoy ang love team namin, and sobra akong nagpapasalamat sa pagtanggap ng mga tao sa love team namin na binigyan kami ng chance," pahayag ni Joshua.

Para naman kay Janella, "Kung magtuloy-tuloy man siya o hindi, kahit na magka-work kami with other people, natutuwa ako na naging partner ko si Joshua. Because, solid e."

Ayon pa sa aktres, matagal nang pinlano ang magkasama sila sa isang proyekto, tanging para sa The Killer Bride lang natuloy.

"Natuloy finally kasi matagal na kaming dapat nagka-trabaho. Tsaka may crush daw siya [sa akin] dati," biro ni Janella.


Sa ngayon, wala pang nakalinyang bagong proyekto para sa dalawa.

Read:Here’s why Joshua Garcia decided to lose weight

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happiness looks so good on you, Joshua and Janella! Yung ngiti nila grabe ang saya saya lang! Joshnella slaying their loveteam prod at the #ABSCBNChristmasSpecial2019 credits: Patrick Concepcion (Do not remove watermark when reposting the photos) ⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀ @joshnella.official @joshnella.official For more #Joshnella updates follow Joshnella Official on social media! Instagram: https://bit.ly/33b9Lkf Twitter: https://bit.ly/2JLeHVj Facebook: https://bit.ly/328q3cn Membership Form: https://bit.ly/2MOBgfc #JoshuaGarcia #JanellaSalvador #TheKillerBride #JoshnellaOfficial JOSHNELLA SaAraneta

A post shared by 🅹🅾🆂🅷🅽🅴🅻🅻🅰 🅾🅵🅵🅸🅲🅸🅰🅻 (@joshnella.official) on

 

Samantala, inanunsyo rin ng mga direktor at writer The Killer Bride na nakatakda nang pagtatapos ang naturang serye. Sa ngayon, naging tikom muna sila kung kailan ang eksaktong pagtatapos.