• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, magiging bahagi ba ng Asia’s Next Top Model?

Catriona Gray, magiging bahagi ba ng Asia’s Next Top Model?

Aabangan sa pagpasok ng taong 2020 ang librong isinulat ni Catriona Gray.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2019 12:17 PM
Catriona Gray, magiging bahagi ba ng Asia’s Next Top Model?


Photo credit: @ catriona_gray on Instagram

Matapos ilipat ang korona bilang Miss Universe, nakatakdang ilabas ni Catriona Gray ang bagong librong isinulat niya na Conquering Your Universe. Sa pagbabalik Pilipinas ng beauty queen, ikinuwento niya sa press ang tungkol sa aabangang libro niya sa ilalim ng ABS-CBN Publishing.

"The title is Conquering Your Universe. It's a collection of lessons that I learned in the past couple of years, that I feel really allowed me to achieve what I did—things that I've learned from a personal perspective, things that I learned in regards to dealing or learning from others, and also about giving back," paliwanag niya sa naganap na contract signing nitong Huwebes, December 12.

"I want it to be relatable, it's not just about pageantry. These lessons can be applicable to anyone from whatever walk of life that they may be in. I just wanted to do something that would be a positive impact, or contribute to the community," dagdag niya.

Hindi na bago para kay Catriona ang pagsusulat. Ayon sa kaniya, lumaki siyang mahilig magbasa ng libro at magsulat ng mga nararamdaman niya.

"I really been a writer ever since in a sense that I am able to process what I'm feeling by putting it on paper. I always enjoy reading growing up. I was brought up with books in a way. And so I wanted to create something that I put a lot of heart into," ani ng beauty queen.

 

 

Bukod sa paglalabas ng libro, aabangan din sa taong 2020 ang paglabas niya ng kaniyang sariling single.

May plano rin daw si Catriona na ipagpatuloy ang career sa modelling. Hindi man ikinumpirma ang pagiging bahagi ng Asia's Next Top Model, hindi rin niya itinanggi ang posibilidad na mangyari ito.

"In regards with Next Top Model, there's rumors as far as I know, but they will be definitely some international trips even international advocacy work that I want to pursue," sagot niya.