Vic Sotto, willing makasama si Vice Ganda sa future MMFF?

2018 nang nagsama sa pelikula sina Vic Sotto at Coco Martin. Posible rin kaya ang Vice Ganda at Vic Sotto sa isang pelikula?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2019 12:53 PM
Vic Sotto, willing makasama si Vice Ganda sa future MMFF?


Naitanong ng entertainment press sa naganap na media conference ng Metro Manila Film Festival entry na Mission Unstapabol: The Don Identity kay Vic Sotto kung posible din ba silang magsama nila Vice Ganda sa pelikula.

“Bakit hindi?” ang naging sagot ni Vic. “Wala namang imposible.”

Matatandaan na noong 2018 ikinagulat ng marami ang pagsasanib sa pelikula nina Vic at Coco sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles kasama si Maine Mendoza.

Ayon kay bossing, “Ako naman I would [like] to believe na kaibigan ko lahat, wala akong kaaway e’, ayokong may kaaway e, siguro kasabay sa pelikula pero it’s not necessary na kaaway ko na ‘yun,” aniya.

Kung tatanungin naman kung kailan ito posibleng mangyari tugon ni Bossing: “I don’t know, we will cross the bridge when we get there. Open ako sa lahat, basta sa ikagaganda ng takbo ng Pelikulang Pilipino e open ako,” pahayag pa niya.

Mapapanood ang Mission Unstapabol: The Don Identity”at iba pang pelikula sa MMFF ngayong December 25