• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, napilitang mag-butt exposure sa bagong pelikula dahil kay Jennylyn Mercado?

Coco Martin, napilitang mag-butt exposure sa bagong pelikula dahil kay Jennylyn Mercado?

Coco Martin napasuot ng T-back sa MMFF entry ‘3Pol Trobol: Huli Ka Balbon’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/14/2019 11:43 AM
Coco Martin, napilitang mag-butt exposure sa bagong pelikula dahil kay Jennylyn Mercado?


Para sa TV King na si Coco Martin, ang pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya bilang aktor.

Imagine, sa pelikulang ito na official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival ay nagsuot pa siya ng T-back while portraying the character of Paloma. May sariling glam team din daw siya set ng pelikula para sa karakter ni Paloma.

“Ang hirap magbihis-babae, talagang in-effort-an ko. Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung palit-makeup lang. Lahat palit—contact lens, kuko, palit,” natatawang kuwento ng aktor sa presscon ng kanyang pelikula.

Patuloy pa niya, “Ako ‘yung dumarating na pinakamaaga sa set. Kasi nga, one and a half hours akong minemeykapan. Tapos bibihisan ako na kung anu-anong nilalagay sa akin para maging sexy.”

Ang karakter ni Paloma ay nagsimula sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Pero kakaibang Paloma raw ang mapapanood ng tao sa kanyang pelikula dahil ni-level-up daw niya ito nang times five.

“Ibang-iba yung Paloma rito. Talagang sinagad ko na siya,” pagmamalaki pa ng aktor.

“Actually, isa sa pinaka-highlight ng pelikula ‘yung nilalandi ko si Sam (Milby), na sumasayaw ako sa harapan niya, ganyan. Tapos, ‘yung magki-kiss kami. Iba, ibang ano. Kasi, sabi ko nga, gagawa ka na rin lang ng comedy, sagarin mo na. Wala nang tipiran.

“Lahat ng maiisip mo, lahat ng mga hindi ine-expect ng mga tao, gawin mo na. Sabi ko nga, sana lang after nito, lahat ng nanonood ng Probinsyano bumalik pa rin ‘yung pagtingin nila kay Cardo. ‘Yung respeto sana, nandu’n pa rin,” sabay halakhak ng aktor.

Natatawa ring inamin ni Coco na napasubo siya kay Jennylyn Mercado habang pini-present niya ang concept ng pelikula lalo na do’n sa part na kailangan niyang mag-T-back.

Kuwento niya, “Actually, napasubo ako rito. Nu’ng pinresent ko kay Jennylyn ‘yung concept, sabi ko, ‘Jen, ganito ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka, tapos, ako rin naka-swimsuit, tapos naka-T-back.

“Eh, siyempre, nu’ng pinresent ko kay Jen, para pumayag siya, ine-excite ko siya. Eh, nu’ng gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi nga, kailangan kong magpakita ng puwet. Eh, siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya (Jen) pag hindi ko ginawa. Ginawa na namin sa pelikula.”

Samantala,bukod kay Jennylyn ay kasama rin sa pelikula si Ai-Ai Delas Alas na gumaganap naman bilang nanay ni Coco, Sam Milby, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo at marami pang iba.

Si Coco rin ang prodyuser (CCM Productions) at director (under his real name Rodel Nacianceno) ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.