• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, bilib sa performance ni Jennylyn Mercado sa MMFF entry

Coco Martin, bilib sa performance ni Jennylyn Mercado sa MMFF entry

Si Coco Martin ang aktor at direktor para sa 2019 Metro Manila Film Festival entry nila.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2019 12:34 PM
Coco Martin, bilib sa performance ni Jennylyn Mercado sa MMFF entry


Masayang ibinahagi ng aktor at direktor na si Coco Martin ang naging experience sa kaniyang pelikula na 2019 Metro Manila Film Festival entry, 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

 

 

Ayon kay Coco, hindi niya inasahan ang pagiging professional ng kaniyang mga kasamahan sa pelikula kabilang na Jennylyn Mercado.

Ito ang unang beses na makakasama ng aktor si Jennylyn na contract artist ng GMA Network.

“Si Jen, [Jennylyn Mercado] honestly isa siya sa mga pinaka paborito kong naka-trabaho kasi napaka professional, walang kaarte arte, walang karekla-reklamo, on time dumarating, basta andiyan lang siya,” tugon ni Coco sa panayam.

Aniya, kahit na batang direktor, naramdaman ni Coco ang respeto bilang isang direktor mula sa kaniyang leading lady.

“Sabi ko nga po, Napakabata kong nagdi-direct pero ‘yung respeto hindi niya ipaparamdam sa’yo na ‘uy pareho lang naman tayong artista e.’ Siyempre nakakatuwa ‘yun ay hindi ako naiilang na i-direk siya o ano,” sabi pa ng aktor.

At bilang direktor, bilib rin si Coco sa ipinakitang performance ni Jennylyn sa pelikula.

“Maraming beses doon na i surprise ka niya e, ‘yung eksena ng romance, nagulat ako nag-kiss kami e, nahihiya kasi ako na i-approach kasi direktor ako and at the same time co-actor niya, tapos sasabihin ko ‘Uy Jen magki-kiss tayo dito ah’ di ba parang ang awkward lang  kasi lalaki ako, pero siya, game talaga,” pahayag ng aktor.

Bukod kay Jennylyn, kasama rin sa pelikula sina Ai-Ai Delas Alas, Sam Milby, Isko Moreno at iba pa.

Mapapanood ang 3pol Dobol Huli Ka Balbon at iba pang pelikula sa MMFF ngayong December 25.