• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, malaki ang natutunan sa kanyang role bilang Muslim sa ‘Mindanao’

Judy Ann Santos, malaki ang natutunan sa kanyang role bilang Muslim sa ‘Mindanao’

Nagbigay din ang Kapamilya star na si Judy Ann Santos ng kanyang mensahe para sa mga nagsasabing hindi “big deal” ang kanyang natanggap na parangal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/13/2019 1:07 PM
Judy Ann Santos, malaki ang natutunan sa kanyang role bilang Muslim sa ‘Mindanao’


Hindi pa rin makapaniwala si Judy Ann Santos na itinanghal siya bilang Best Actress sa 2019 Cairo International Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang “Mindanao”.

Sa ginanap na press conference para sa pelikula na bahagi rin ng paparating na Metro Manila Film Festival, sinabi ng Kapamilya star na hindi niya lubos maisip na nakamit niya ang dati ay pinapangarap niya lamang bilang aktres.

 

 

“That proud of moment, I think... ‘Pag artista ka, pangarap mo ‘yun e, maka-akyat ka sa entablado ng ibang bansa at maiangat mo ang bandila ng Pilipinas. That’s something na ang sarap ipakita sa mga anak ko,” tugon ng aktres sa panayam.

Ayon pa kay Judy Ann, masayang masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa “Mindanao”.

“Happy-ng happy naman ako na ibang klaseng trabaho ang nakita sa akin. And that’s because si direk Brillante [Mendoza] guided me with an excellent directing. Iba siya, eh. Iba siya mag-explain, maiintindihan mo siya. Tsaka, dahil pinanood ko ‘yung mga pelikula niya, kahit papaano alam ko kung ano 'yung gusto niyang itawid na arte. Hindi ko siya inaral pero hinayaan kong mailabasa ko ‘yung emosyon ko,” ani Juday.

“Ang tagal niyang inaral ‘yung project. Nag-volunteer pa siya... Nag-stay din siya sa House of Hope, ang alam ko, para maintindihan niya ‘yung pinagdadaanan ng mga magulang, ng mga bata. According to him, na-inspire siya sa litrato ng isang batang cancer patient na tumira sa House of Hope. Basically, doon nagsimula ‘yung inspiration niya for ‘Mindanao’.”

Sinabi rin ni Judy Ann na marami siyang natutunan sa kanyang unang pagganap bilang isang Muslim na ina na nag-aalaga ng anak na may kanser sa pelikula.

“Ang dami kasi nilang traditions. They respect their religion so much, [even] kapwa nila Muslim. Iba sila sa suportahan. 'Yung character ni Saima as a Muslim mom, wala naman siyang pinagkaiba sa kahit na sinong nanay na kailangan mag-sacrifice para sa anak niya. Nagkataon lang na Muslim siya. Ang mas kritikal lang sa kanila, kapag may namatay, hindi kailangan tumagal ng 24 oras, hindi kailangan paglubugan ng araw, libing agad... So ‘yung pain lang, ‘yung hirap lang siguro na may hinahabol kang oras tapos wala roon ‘yung asawa mo. ‘Yun, ang hirap ko siyang ikamada kasi, roon pa lang, noong inilagay ko ‘yung sarili ko sa posisyon, parang sasabog 'yung puso ko thinking na you're running against time, and they have this, they have that, and you can’t do anything about it's religion. And I totally respect that,” sabi ng aktres.

Para naman sa mga nagsasabing hindi “big deal” ang kanyang natanggap na parangal, mensahe ni Judy Ann: “I guess may kanya kanya namang opinyon ang mga tao. Nirerespeto ko naman 'yun. Tsaka ine-expect ko naman na hindi lahat magiging happy. 'Di ba? Ganoon naman tayong mga Pilipino. Kapag lahat masaya, may isang hindi. Or may isang icha-challenge ka, and it’s totally fine.”

“I understand and I appreciate, pero I’m not expecting anything anymore. The appreciation alone of my co-workers, all of you, my family, that’s more than enough. Ayaw ko nang mag-isip ng negativity sa ngayon. ‘Yung makapag-bigay parangal na nga sa Pilipinas, sobrang sapat na sapat na sa akin ‘yun.”