• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, inaming pressured sa kanyang pagganap bilang si Mother Lily sa biopic

Judy Ann Santos, inaming pressured sa kanyang pagganap bilang si Mother Lily sa biopic

Hindi maitanggi ni Judy Ann Santos na nape-pressure siya sa kanyang nakatakdang pagganap bilang Regal Films producer na si Lily Monteverde, o mas kilala sa industriya bilang si Mother Lily, sa kanyang kauna-unahang biographical film.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/13/2019 4:03 PM
Judy Ann Santos, inaming pressured sa kanyang pagganap bilang si Mother Lily sa biopic


Hindi maitanggi ni Judy Ann Santos na nape-pressure siya sa kanyang nakatakdang pagganap bilang Regal Films producer na si Lily Monteverde, o mas kilala sa industriya bilang si Mother Lily, sa kanyang kauna-unahang biographical film.

Sa press conference para sa kanyang pelikulang “Mindanao”, isa sa mga official entries sa inaabangang Metro Manila Film Festival 2019, inihayag ng aktres na ang nasabing biopic ang unang pelikulang gagawin niya para sa susunod na taon. 

 

 

“‘Yun ‘yung nakaplano sa akin for next year. Focus on one movie at a time simply because ang unang pelikulang gagawin ko for 2020 is a biopic of the Mother Lily,” sabi ni Juday sa panayam.

“So kailangan ko talaga siyang aralin. Kasi, my God, si Mother Lily 'yun. Haligi siya ng buong industriya natin. Hindi ko siya pwedeng barubalin ‘yung character na ‘yun.”

 

 

Ayon pa kay Judy Ann, utang na loob niya ang pelikula kay Mother Lily, na siyang nag-produce ng kanyang box-office hit na pelikulang “Sana Naman” kasama ang kanyang “Mara Clara” co-star na si Gladys Reyes.

“Utang na loob ko ang meron ako ngayon dahil kay Mother Lily. So, para i-hand pick niya ‘ko, hindi ko rin naintindihan. Kinabahan din ako, but I can’t say no. Because I love her and if she feels that I am the perfect person to play her, maybe she sees something that I don't,” dagdag pa ni Juday.

“I have full trust in Erik Matti. A trust in Mother Lily, in Dondon [Santos]. I know iga-guide nila ako rito. I know it’s going to be fun, and it’s going to be hard kasi maraming magiging judgmental kasi it’s a biopic, and it’s my first time to do a biopic. It’s going to be very critical because everybody knows Mother Lily. She’s a character. Everybody knows her--how she talks, how she walks, how she gets mad, paano siya magbihis, paano siya maging masaya, paano siya ma-badtrip, paano siya mambato. Alam ng lahat ‘yan. So hindi ko siya pwedeng hindi aralin. So I guess, ‘yun ‘yung challenge ng universe sa akin.”

Ayon kay Direk Erik, sa Enero 2020 nakatakdang simulan ang shooting para sa nasabing pelikula.

Samantala, looking forward naman si Judy Ann na gugulin ang paparating na holiday break kasama ang kanyang asawa na si Ryan Agoncillo at tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

 

 

“Gusto ko, gusto ko talaga,” nang matanong kung may balak ba silang magbakasyon itong darating na Pasko at bagong taon.

“Kasi ang dami kong alis, tapos hindi ko sila masama dahil may pasok sila. Gusto ko talagang ibigay sa kanila ‘yun kasi December lang ‘yung magkikita kita ‘yung schedules namin, eh. Naghihintay na lang kami ng go-signal,” dagdag pa niya.