• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ipasa ang Miss Universe crown, magsisimula na sa kaniyang showbiz career si Catriona Gray.

Catriona Gray, willing bang makatrabaho si Sam Milby?

Matapos ipasa ang Miss Universe crown, magsisimula na sa kaniyang showbiz career si Catriona Gray.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/13/2019 08:48 AM
Catriona Gray, willing bang makatrabaho si Sam Milby?

Naghahanda para sa kanyang bagong career sa showbiz si Miss Universe 2018 Catriona Gray, matapos ilipat ang titulo sa bagong beauty queen na si Zozibini Tunzi. Sa pagharap ni Catriona sa press nitong Huwebes, December 12, ibinahagi niya ang mga plano sa bagong karera na tatahakin sa pagpasok ng taong 2020.

“I’ll definitely pursuing my love for music, and hoping to give you all some new music next year,” pahayag niya matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN Publishing, para sa kanyang librong ilalabas.

Ayon pa sa beauty queen, willing siyang tahakin din ang pag-arte. Pero, aminado si Catriona na magiging mahirap ang paghahanap ng kaniyang leading man.


“Kasi 5’10 ako, but I feel that I don’t have a lot of experience in acting so I would really want to be given the opportunity to learn from seasoned actors. And honestly, I’m not very particular naman po, ‘cause I need more experience,” natatawang sagot ni Cat.

Nang tanungin naman kung willing ba siyang makatrabaho ang aktor na si Sam Milby, “Well at least I know him from church. So I wouldn’t mind,” mabilis niyang sagot.

READ: Sam Milby on his love life: ‘I’m interested and inspired by someone’

Matatandaang naging usap-usapan ang ugnayan ni Catriona at Sam, nang kumalat online ang larawang magkasama sila sa New York. Ilang linggo matapos ang balita, ay kinumpirma naman ni Catriona na hiwalay na sila ng long-time boyfriend na si Clint Bondad.

Aabangan sa pagpasok ng bagong taon, ang unang librong isinulat ni Catriona na pinamagatang ‘Counquering Your Universe’.