• Home
  • Fresh Scoops
  • Kahit magkarelasyon na, Liza at Enrique, may ilangan pa rin sa isa’t isa?

Kahit magkarelasyon na, Liza at Enrique, may ilangan pa rin sa isa’t isa?

Magbabalik telebisyon na sina Enrique Gil at Liza Soberano sa darating na 2020.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/12/2019 9:37 AM
Kahit magkarelasyon na, Liza at Enrique, may ilangan pa rin sa isa’t isa?


Balik teleserye ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa first quarter ng 2020 sa teleseryeng “Make It With You.”

Dito, bagong look ang ipinakita nina Liza at Enrique na gaganap bilang si Billie at Gabo. Sa teaser, mas daring at kakikiligan si LizQuen sa kanilang mga eksena.

“Hindi lang kiss (laughter) joke lang! Well see just like he said its more mature and daring pero not to the point na its out of our brand. Yes meron naman intimate pero not as much as we think kayo na lang po bahala intindihin kung ano nangyayari sa scene” sabi pa ni Liza.

Ayon pa sa Kapamilya star, kahit na dumating sa pinagtatalunan sila na scenes ni Enrique ay dapat hindi pa rin apektado ang gagawin na bahagi ng eksena.

“I noticed about us when we fight before taking a scene when we fight we don’t yell... parang may konti away lang pero when we exit the tent were not enrique and liza anymore... 

“Kilig kilig ang scene and then later we were fighting pala dyan nya ako parati nakukuha eh,” kuwento ng aktres.

Ipinaliwanag naman ni Enrique ang halaga ng timing ng isang lalaki kapag hahalikan ang kanyang girlfriend na mapapanood sa ilan sa kanilang mga eksena.

“Kasi nga may timing ang lalake tapos ayun na... kasi dapat maganda ang timing hindi naman basta basta,” pahayag ng aktor

Sa Croatia kinunan ang ilan sa mahahalagang eksena ng “Make It With You,” na siguradong inaabangan na ng LizQuen fans.