Coco Martin, ipinakilala ang bagong leading lady

Bagong romantic comedy movie na Love Or Money ang nakatakdang pagsasamahan nina Coco Martin at Angelica Panganiban sa ilalim ng Star Cinema.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/12/2019 12:24 PM
Coco Martin, ipinakilala ang bagong leading lady


Bagong romantic comedy movie na Love Or Money ang nakatakdang pagsasamahan nina Coco Martin at Angelica Panganiban sa ilalim ng Star Cinema.

Kuwento ni Coco na apat na taon nang nagbibigay aksyon gabi-gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano, kabado siya sa kaniyang muling pagpapakilig sa pelikula.

"Kasi bagong kombinasyon, and definitely 'yung project, ibang iba sa 'Probinsyano.' Kasi ang tagal ko na sa 'Probinsyano' eh, ngayon excited ako kasi magbabalik ako sa drama and at the same time si Angge, napakagaling na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin," ani Coco sa panayam nitong Martes, Disyembre 10.

Pananabik rin ang naramramdaman ni Angelica na unang beses makakasama sa isang pelikula si Coco.

"Siyempre ang tagal natin siyang nakikita sa 'Probinsyano.' Nag-'Probinsyano' ako pero sandali lang, isang buwan lang, so iba rin 'yung magiging experience na makagawa ng movie together. Ibang flavor naman ang gagawin niya, iba rin ang mai-oofer namin," tugon ng aktres.

At dahil sasabay ang shoot ng pelikula sa 'Ang Probinsyano,' biro ni Angelica: "Stop muna ang 'Probinsyano.' Ako lang makakapagpatigil."

Pero ayon kay Coco, may nakalaan siyang oras para sa kanilang pelikula. "Sanay naman ako na habang may 'Probinsyano', gumagawa rin ako ng pelikula. Kasi talagang pinaghahandaan talaga namin ito. Sabi nga namin, sinusubukan namin na sana wish namin, mahabol namin 'to for Valentine's Day," aniya.

Inaasahan na sa unang bahagi nang 2020 sisimulan na ang shoot ng pelikula ni Coco at Angelica na may working title na Love Or Money sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.