• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, payag ba sa kissing scene kay Coco Martin?

Angelica Panganiban, payag ba sa kissing scene kay Coco Martin?

Unang beses na magtatambal sa isang romantic-comedy film sina Coco Martin at Angelica Panganiban.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/12/2019 3:56 PM
Angelica Panganiban, payag ba sa kissing scene kay Coco Martin?


Naging biruan sa naganap na story conference ng pelikulang Love Or Money ni Angelica Panganiban at Coco Martin ang usapin ng kissing scene sa kanilang pelikula.

Kasunod ito nang unang beses nilang magtatabal sa isang pelikula matapos ang naging pagbisita noon ng aktres sa “Ang Probinsyano”.

READ: Coco Martin at Angelica Panganiban, bagong ‘love team’ na aabangan sa 2020

“Kailangan ko lang ipagpaalam kay Mr. M (Johnny Manahan) talaga, kasi medyo strict si Mr. M sa akin eh. Iniingatan na niya ang image ko pagdating sa mga ganyan,” pabirong tugon ni Angelica.

“Kasi pumayag na ang mama ko eh. Recently lang pumayag na siya sa kissing scene. '’Yung daring, ‘yung mga pagpapakita ng skin, kailangan kong malaman kay Mr. M talaga. Kailangan niya aprubahan kung paano aatakihin,” sabi pa ng aktres.

Pagbibro pang pahayag ng aktres: “Kasi sweet girl na talaga ako ngayon, mahihiya na si Kathryn Bernardo,” pahayag pa niya.

Inaasahan na sa unang bahagi ng 2020 sisimulan ang shooting ng pelikula ni Coco at Angelica, sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.