• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, sinagot ang tanong kung magiging parte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ si Julia Montes.

Julia Montes, magiging parte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano?’

Coco Martin, sinagot ang tanong kung magiging parte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ si Julia Montes.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/11/2019 09:29 AM
Julia Montes, magiging parte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano?’
Photo credit: @montesjulia08 IG

Maraming magagaling na artista ang napabilang na sa top-rating teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano na patuloy na umeere mula pa noong 2015.

Dahil magbabagong-taon na, tanong ng karamihan ay kung magiging parte rin ba ng serye si Julia Montes, na nali-link kay Coco mula noong magtambal sila sa Walang Hanggan noong 2012.

“Siguro may tamang pagkakataon,” sambit ni Coco sa ABS-CBN News


May mahigit isang taon na mula nang pansamantalang magpahinga sa buhay showbiz si Julia at huling naging proyekto nito onscreen ay ang teleseryeng Asintado.

Nang tanungin kung naisip na rin ni Coco noon na isama sa cast si Julia, naging positibo naman ang sagot niya.

“Actually, lahat naman ng mga artista na puwede makatulong sa show, siyempre kami naman ‘yung lumalapit sa kanila.”

Kamakailan ay kinumpirma naman ni Coco na sa susunod na mga episode ng FPJ’s Ang Probinsyano ay mga Hollywood stars na ang makakasama sa kuwento ni Cardo Dalisay.

READ: Coco Martin, napasabak sa Ingles sa Hollywood stars na magiging bahagi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sa kasalukuyan naman ay wala pang inaanunsyo si Julia kung babalik na ba ito sa pag-arte.