• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Paul Soriano masaya na kahit nasa Top 4 lang ng MMFF ang ‘Sunod’

Direk Paul Soriano masaya na kahit nasa Top 4 lang ng MMFF ang ‘Sunod’

Ipinaliwanag din ni Paul Soriano kung bakit si Carmina Villaroel ang napili nila para sa ‘Sunod.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/11/2019 2:08 PM
Direk Paul Soriano masaya na kahit nasa Top 4 lang ng MMFF ang ‘Sunod’


Ipinaliwanag sa PUSH ni Direk Paul Soriano, producer ng pelikulang Sunod na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival ang dahilan kung bakit si Carmina Villarroel ang kinuha nila para magbida sa pelikula.

Ani Direk Paul, “Si Carmina kasi nanay siya and we were looking for somebody that can really relate to the character, it’s a mother-daughter film. Of course, as we all know she has her twins and she can really relate to the role.

“When we got her on board at nag-yes siya sa amin she gave actually a hundred and ten percent. She was really dedicated to the role and very, very professional si Ms. Carmina, actually I’m hoping to work with her again.”

Malaki ang chance na panoorin ng moviegoers ang Sunod when it opens in cinemas sa December 25 (Christmas Day) dahil nag-iisa horror film ito ng pestibal. Pero ayon kay Direk Paul, simple lang daw ang expectations niya sa prinodyus na pelikula.

“Expectations? Well, sa Siargao we did No. 3, sa Mary, Marry Me No. 4 kami, so sana ganun din. We can be at least maybe in the top 4, to be very honest happy na ako do’n,” sambit pa niya.

Samantala, when asked naman kung kailan ba nila balak sundan ang panganay nilang si Seve, sagot ng director, nakaplano raw ang tungkol dito.

“We always told this and we were very honest about this, when Seve turns four gusto na namin siyang sundan. Mas gusto namin yung four-year age gap. Si Seve is turning four on September (2020) so maybe late next year. Maybe next Christmas may isang gift,” he said.

Eh, ano naman ang plano nila ni Toni Gonzaga this Christmas season?

“Christmas Day I’ll be here monitoring Sunod and we hope sana after Christmas baka we can go out of town. Pero hindi pa namin sure. We’ll be checking her schedules kasi baka may commitments, but one hundred percent sure is we will be together as a family,” deklara pa ng asawa ni Toni Gonzaga.