• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, inalala ang naramdamang takot nang maospital ang asawa

Dimples Romana, inalala ang naramdamang takot nang maospital ang asawa

Isinugod sa ospital ang asawa ni Dimples Romana matapos sumuka ng dugo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/11/2019 11:21 AM
Dimples Romana, inalala ang naramdamang takot nang maospital ang asawa


Isang linggo matapos masugod sa ospital ang asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee ay muling binalikan ng Kadenang Ginto star ang naging karanasan nila at ang pagbabago ng kanilang relasyon matapos mangyari ito.

Paliwanag ni Dimples sa Tonight with Boy Abunda, mayroong sleep apnea—sakit kung saan pansamantalang humihinto sa paghinga ang isang tao kapag natutulog—ang kanyang asawa at payo ng doktor na mag soft diet muna ito.

Matapos ang isang linggo ay ginutom na talaga si Boyet at kumain ito. Nagasgas ang kanyang lalamunan at tuluyang sumuka ng maraming dugo.

READ: Dimples Romana’s husband rushed to the hospital after vomiting blood

Naging emosyonal ang aktres nang ikuwento ito dahil natakot umano siya na baka maging kapalit ng kanyang blessings ngayon ang buhay ng kanyang asawa. Sunud-sunod kasi ang proyektong natatanggap ni Dimples dahil sa sikat niyang karakter ngayon na si Daniela Mondragon sa seryeng Kadenang Ginto.

"Naalala ko iyong importante sa akin. Kasi ang dami naming blessings ngayon. Natakot ako na baka may kapalit… Puwede ko ibigay lahat ito... Puwede ako walang pera, pero walang pamilya ay hindi ko kaya,” ani Dimples.

Matapos malagpasan ang kanilang pagsubok ay sinabi naman ni Dimples na nag-iba ang tingin nila sa kanilang relasyon at mas nabigyang kahulugan ngayon ang kanilang wedding vows. Dagdag pa niya, mas madalas na daw silang mag-’I love you.’

"Nagkaibang meaning sa akin iyong 'in sickness and in health,’” sambit ni Dimples.

Kabilang din ngayon sa pelikulang The Mall The Merrier si Dimples na pinagbibidahan din ng It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis at Vice Ganda.