• Home
  • Fresh Scoops
  • Ricci Rivero, idinetalye ang pinagdaanang depresyon noon nung mapagbintangan na gumagamit ng illegal drugs

Ricci Rivero, idinetalye ang pinagdaanang depresyon noon nung mapagbintangan na gumagamit ng illegal drugs

Ricci Rivero, hindi nagpapa-apekto sa mga basher dahil sa nangyari sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/10/2019 10:45 AM
Ricci Rivero, idinetalye ang pinagdaanang depresyon noon nung mapagbintangan na gumagamit ng illegal drugs


Streaming na ngayon sa iWant ang sports documentary series titled Dayories featuring three UAAP superstars: Ricci Rivero (UP Fighting Maroons), Ange Koame (Ateneo Blue Eagles), and Rhenz Abando (USTGrowling Tigers).

Mapapanood sa docu series ang tungkol sa pinagdaanang depression ni Ricci na ayon sa basketbolista ay nagsimula nung mapagbintangan siyang gumagamit ng illegal drugs habang kasali pa sa Green Archers team ng La Salle.

“Kasi nga, siguro po do’n sa story ko nga I’ve been through so much like yung sa… and siguro nga naging comfortable lang ako with La Salle—high school until college—kaya depressing yung nangyari, na nawala ako sa La Salle.

“And then, feeling ko talaga that time do’n na ako mag ga-graduate, and all that, na I will finish my college there and I will play for them for the rest of my UAAP career. For me kasi yung UAAP are the best days of a basketball player talaga so sobrang thankful ako for that.

“But then yon nga, because of some problems I have to transfer, and siguro yung problems na yon parang nag-boom talaga siya and parang most of the people around me talaga are talking about it and some are judging me and all that. But then I have to siguro take it in a positive way lang kasi it’s going to be hard nga for me to take of it in a problematic way,” dire-diretsong paliwanag ni Ricci sa dahilan ng kanyang depresyon noon.

Mabuti na lang daw at ngayon ay maibabahagi na niya ang lessons ng kanyang pinagdaanan through iWant.

Aniya, “Sobrang thankful ako sa ABS-CBN for giving me this opportunity to express my story. And siguro just like normal people, same lang naman po tayo lahat, nagkaka-problem, nagkakamali, may mga nagagawa hindi tama. But then siguro, you have to accept the fact lang na no matter how happy or how famous or rich you are hindi mawawala ang problema. What’s important is kung paano mo ito iha-handle at haharapin.”

Ayon pa kay Ricci, hindi siya natatakot sa flashback effect ng kanyang problemang hinarap noon.

“For me, tapos na po yon,eh. Napagdaanan ko na lahat. Yung mga biro, siyempre napagdaanan ko na rin yon especially with those people na close ko talaga, pero hindi talaga namin siya ginawang parang biro before. Nung tapos na talaga yung lahat ng isyu at naka-move-on na rin kami, wala, parang… yeah, napagdaanan namin siya pero it’s not something that we have to dwell on na,” rason pa ng binata.

Eh how about the bashing, paano ba niya ito hina-handle?

“I don’t take it in a negative way, na iisipin ko siya as a problem. Binabasa ko talaga yung iba, yung mga iba kasi may point din naman sila. May times din talaga na mali rin ako so siyempre, I have to do something na how do I fix myself kasi nagkakamali po tayong lahat.

“Yung iba naman hinahayaan ko na lang kasi parang wala lang siguro silang magawa, so kung magagalit ako pareho lang kaming magiging masama,” paliwanag pa ni Ricci.