Priscilla Almeda, balik-showbiz matapos ang mahigit 10 taon

Balik-trabaho si Priscilla Almeda matapos magpahinga sa showbiz sa loob ng mahigit sampung taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/10/2019 12:51 PM
Priscilla Almeda, balik-showbiz matapos ang mahigit 10 taon


Matapos ang mahigit sampung taon ay balik-showbiz na muli si Priscilla Almeda o mas kilala noon bilang Abby Viduya.

Kasalukuyang gumaganap bilang si Krista Sandoval sa top-rating teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano ang aktres kasama ang bagong dating ding mga artista na sina Paul Montecillo bilang Whiskey at Kim Molina bilang si kagawad Bea Malonzo.

Pansamantalang nagretiro sa pag-arte si Priscilla noon upang manirahan sa ibang bansa.

Sa panayam naman niya sa The Philippine Star column ni Ricky Lo noon Oktubre ay sinabi niyang gusto niyang bumalik sa bansa upang subukan muli ang showbiz.

“I am back because I miss showbiz, I miss everybody and I want to try showbiz again,” aniya.

Nakilala noon si Priscilla sa kanyang daring scenes sa mga pelikula ngunit giit niya ngayon, ibang Priscilla na raw ang masasaksihan ng mga manonood.

“I cannot do roles that I used to do. It won’t be appropriate. The old Priscilla Almeda is gone. What you will see is the new Priscilla Almeda.”