• Home
  • Fresh Scoops
  • Concert nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez, tuloy na tuloy na

Concert nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez, tuloy na tuloy na

Kasado na inaabangang pagsasama sa concert stage nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/10/2019 2:50 PM
Concert nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez, tuloy na tuloy na


Kasado na inaabangang pagsasama sa concert stage nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ng tinaguriang Asia’s Songbird ang ilang detalye tungkol sa kanilang joint concert na pinamagatang “Unified” na gaganapin sa Pebrero 14 at 15, 2020 sa Smart Araneta Coliseum.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This is it!!!!!!! šŸ˜Š

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Ito ang unang beses na magsasama sa isang concert sina Sarah at Regine kung kaya hindi maitago ng dalawa ang kanilang saya na makatambal ang isa’t isa.

Pagbahagi ng tinaguriang Popstar Royalty sa panayam ng ABS-CBN News: “I’m very very happy that it’s finally happening. [It’s a] dream come true.”