• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, napasabak sa Ingles sa Hollywood stars na magiging bahagi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Coco Martin, napasabak sa Ingles sa Hollywood stars na magiging bahagi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kompirmado na sa susunod na mga episode ng FPJ’s Ang Probinsyano ay mga Hollywood stars na ang makakasama sa kuwento ni Cardo Dalisay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/10/2019 2:42 PM
Coco Martin, napasabak sa Ingles sa Hollywood stars na magiging bahagi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Kompirmado na sa susunod na mga episode ng FPJ’s Ang Probinsyano ay mga Hollywood stars na ang makakasama sa kuwento ni Cardo Dalisay.

Pagbibiro ni Coco, napasabak siya sa Ingles sa pakikipag sarado ng usapan sa mga Hollywood celebrities na ito.

READ:Shooting abroad at Hollywood Stars, aabangan sa ‘Ang Probinsyano’

“Opo nakipag inglisan ako,” bungad ni Coco sa panayam.

“Yun nga ang pino problema ko eh paano ko ididirek yun inglis (Laughs)!” pagbibiro ng tugon ng aktor.

Magandang balita rin ang hatid ni Coco sa mga karakter ni Cardo Dalisay at ng kaniyang asawa na si Alyana Arevalo dahil mabubuo ang kanilang pamilya.

“Actually malapit na yan kasi ano (laughs) talagang ako yung sumagot! Actually kasi family ang core ng show namin kailangan yan... kailangan mabuo ang pamilya namin,” sabi pa ng aktor at direktor ng programa.

Sa ngayon, patuloy ang pangunguna sa ratings ng Ang Probinsyano.