• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasabay ng ika-apat na taon ng pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano, muling binalikan ni Coco Martin kung paano napunta sa kaniya ang role ni Cardo Dalisay.

Coco Martin, binalikan kung paano nakuha ang role ni Cardo Dalisay

Kasabay ng ika-apat na taon ng pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano, muling binalikan ni Coco Martin kung paano napunta sa kaniya ang role ni Cardo Dalisay.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

12/10/2019 02:31 PM
Coco Martin, binalikan kung paano nakuha ang role ni Cardo Dalisay

Kasabay ng ika-apat na taon ng pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano, muling binalikan ni Coco Martin kung paano napunta sa kaniya ang role ni Cardo Dalisay.

“Actually kinapalan ko ang mukha ko,” pahayag ni Coco sa panayam sa thanksgiving party ng programa nitong Linggo.


“Kasi ako 'yung nakaisip ng project. Kasi sabi ni Ma'am Charo (Santos), ‘Bakit hindi tayo mag tribute sa mga pulis?’ Kasi that time ‘yung nangyari sa SAF 44, may ibang project ako na dapat gagawin. Tapos sabi ko, ‘Bakit hindi natin gawin ‘yung pelikula ni FPJ noong araw?’ Sabi nila ‘Ano 'yun?,’” kuwento pa ni Coco.

Ayon sa aktor, “Doon nila nakita na kung gagawing teleserye ang pelikula ni FPJ, akmang akma ito sa buhay ng Pilipino.” Matapos tumakbo ng apat na buwan ang teleserye, natapos na ang orihinal kuwento ng Ang Probinsyano at dito na nagkaroon ng sariling buhay ang paboritong teleserye ng Kapamilya network.

Dagdag pa ni Coco, na aktor at tumatayong direktor ng Ang Probinsyano, hindi rin niya inakala na tatagal ng apat na taon ang kanilang programa.

“Parang kahit kami hindi namin maintindihan na bakit humaba siya nang humaba, Pero hindi pa tapos ang kuwento ng teleserye, at may mga dapat pang abangan ng mga manonood,” ani Coco.

“Ngayong four years ka na, kailangan mo nang i-upgrade ‘yung kuwento niyo, ‘yung mga pangayayari. Dati kasi lagi lang kinukuwento natin ano 'yung buhay ni Cardo, sa pamilya niya sa sarili niya. Ito, next year ang magiging kuwento na natin ang buong mundo.

“Kasi ano pa ba ang hindi pa pinagdaraanan ni Cardo? Kumbaga, ito na ‘yung pinakamatinding laban,” pahayag pa ni Coco.