• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin at Angelica Panganiban, bagong ‘love team’ na aabangan sa 2020

Coco Martin at Angelica Panganiban, bagong ‘love team’ na aabangan sa 2020

Bagong kombinasyon sa mga movie goers ang bagong love tandem nina Coco Martin at Angelica Panganiban na bibida sa Star Cinema movie na ‘Love or Money.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/10/2019 6:56 PM
Coco Martin at Angelica Panganiban, bagong ‘love team’ na aabangan sa 2020


Photo credit: @pushalerts on Instagram

Nakatakdang magsama sa Love or Money, isang romantic comedy movie, sina Coco Martin at Angelica Panganiban sa darating na 2020. 

Kuwento ni Coco, na apat na taon nang nagbibigay aksyon gabi-gabi sa FPJ's Ang Probinsyano, kabado siya sa kaniyang muling pagpapakilig sa pelikula.

"Kasi bagong kombinasyon, and definitely 'yung project, ibang iba sa Probinsyano. Kasi ang tagal ko na sa Probinsyano eh, ngayon excited ako kasi magbabalik ako sa drama and at the same time si Angge, napakagaling na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin," ani ng aktor sa panayam.

 

 

2015 pa noong huling gumawa ng isang romance movie si Coco, ang You're My Boss kasama si Toni Gonzaga. 

Excitement rin ang naramramdaman ni Angelica, na unang beses makakasama sa isang pelikula si Coco.

"Siyempre ang tagal natin siyang nakikita sa Probinsyano. Nag-Probinsyano ako pero sandali lang, isang buwan lang, so iba rin 'yung magiging experience na makagawa ng movie together. Ibang flavor naman ang gagawin niya, iba rin ang mai-o-offer namin," tugon ng aktres.

At dahil sasabay ang shoot ng pelikula sa teleserye, biniro ni Angelica ang kanyang bagong leading man ng, "Stop muna ang Probinsyano. Ako lang makakapagpatigil."

Pero ayon naman kay Coco, may nakalaan siyang oras para sa kanilang pelikula. "Sanay naman ako na habang may Probinsyano, gumagawa rin ako ng pelikula. Kasi talagang pinaghahandaan talaga namin ito. Sabi nga namin, sinusubukan namin na, sana wish namin, mahabol namin 'to for Valentine's Day," aniya.

Inaasahan na sa unang bahagi ng 2020 sisimulan ang shooting ng Star Cinema movie, sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Panoorin ang kanilang interview nila dito: