• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Sam Concepcion at Bianca Umali, nagsimula na ng training para sa HBO ‘Halfworlds 3’

TINGNAN: Sam Concepcion at Bianca Umali, nagsimula na ng training para sa HBO ‘Halfworlds 3’

Ibinahagi ng direktor na si Mikhail Red ang ilang larawan mula sa training nila Sam Concepcion at Bianca Umali para sa Season 3 ng ‘Halfworlds’ ng HBO.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/1/2019 12:41 PM
TINGNAN: Sam Concepcion at Bianca Umali, nagsimula na ng training para sa HBO ‘Halfworlds 3’


Photo credit: @@MikhailRed on Twitter

Nagsimula na ang paghahanda ng dalawang bida para sa ikatlong season ng HBO original series na Halfworlds.

Sa Twitter post ng direktor na si Mikhail Red nitong Sabado, November 30, ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa training nila Sam Concepcion at Bianca Umali.

 

 

Nitong Biyernes unang inanunsyo ni Red ang pagdidirek ng pinaka-unang Filipino HBO mini series na may walong episode. "The Engkantos are at war in the Philippines. Who do you fight for? Filming soon," ayon sa caption ni Red sa kaniyang Instagram post.

 

 

Read:Mikhail Red to direct third season of HBO’s ‘Halfworlds’ starring Sam Concepcion

Si Red ang parehong direktor ng mga critically-acclaimed films tulad ng Birdshot at Eerie. Habang napapanood na sa Netflix ang kaniyang pelikulang Dead Kids, aabangan naman isa pa niyang gawa na zombie film, ang Block Z.